CHAPTER 5

6 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV;

Nagkukumpulan ang mga estudyante sa may pintoan dahil meron na naman silang bagong kaklase. May nakakita daw sa kanya na pumasok sa pricipal's office.

"Ang ganda at ang puti dude parang may lahi."

"Mas maganda naman ako don."

"Ang layo kaya sobrang ganda niya parang na love at first sight yata ako."

"Uy nandyan na sila jax alis na tayo girl."

"Bakit ba kayo nakaharang sa pintoan? Alis nga!" Sabi ni jax sa pinagtutulak ang mga nakaharang sa kanya daanan niya.

Umupo na si jax sa kanyang upuan pati ang mga kaibigan niya.

Di rin nagtagal pumasok na ang guro nila kaya magsibalikan na rin ang iba sa upuan nila.

"Di ko yata nakikita ang kumag na yon?" Tanong ni jax kay axcel.

"Baka natakot na." Sagot naman ni axcel.

"Okay class, meron kayong bagong kaklase, pumasok ka na hija."

dahan-dahang pumasok si rei at hinawi ang buhok niya hinanap ng mga mata niya ang lalaking nanakit sa kapatid niya at di naman siya nabigo. Nag tama ang mga mata nila at nakikita niya ang pagkagulat sa mga mata ng lalaki kaya lihim siya napangisi.

Pumunta na siya sa harapan at tiningnan ang lalaki na para bang silang dalawa lang dito sa classroom.

"I'm Rei Watanabe, i only speak nihonggo and english. "

"Okay. have a seat already" Sabi ng guro.

Agad namang naglakad si rei papunta kung saan may bakanteng upuan at yun ay ang katabing upuan ni jax.  Walang sino man ang naglalakas ng loob na tumabi kay jax.

Hindi niya parin inaalis ang tingin niya kay jax kaya si jax na mismo ang nagiwas ng tingin.

"May nakaupo dyan kaya wag ka dyan dun ka." Sabay turo dun sa upuan sa may unahan niya sabay lagay ng bag niya sa bakanteng upuan.

Parang walang narinig si rei at agad na umupo sa upuan at di pinansin ang bag ni jax at agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko may nakaupo dyan--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil kinalabit siya  ni axcel.

"Di ka naiintindihan pre. Mag english ka." Sabi ni ace.

"Ayoko nga. Hoy babae umalis ka dyan kung ayaw mong masaktan, baka nakakalimutan mo may atraso kapa sakin. Nangangati na ang mga kamay ko parang gusto ko ng manakit, akala mo ba dahil babae ka di kita papatulan? Dyan ka nagkakamali. Uma--" napatigil sa pagsasalita si jax dahil biglang nilapit ni rei ang mukha niya kay jax. Napalunok bigla si jax.

"Is that a threat?" Sabi ni rei.

Napatingin naman si jax sa mga labi ni rei.

"A-ano ba!" Biglang napatayo si jax sa upuan niya kaya nag sitawanan ang kanya mga kaibigan.

"May problema ba hijo?" Tanong ng guro nila.

Umupo naman agad si jax sa upuan niya at tiningnan ng masama ang mga kaibigan niya at tyaka niya ulit tiningnan ang babae na ngayon ang nakahalumbabang nakatingin sa kanya.

Napalunok na naman siya ulit.

"Your cute." Biglang namula si jax sa sinabi ni rei.

"I'll see you after class cutie." Sabay kindat.

Natulala nalang si jax sa mga pangyayari, di niya maintindihan ang sarili para bang umurong ang dila nila. Ang tanging nasabi niya lang..

"Cute?!"




A/N; If you like this chapter please vote thank you!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The bad boy's girl ( On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon