KENDRA'S POVS:
"Saglit lang asawa ko, maliligo lang ako. Ikaw? Maliligo ka din ba sabay na tayo?" Agad akong umiling na kinangisi nito ng malapad.
"M-may apartment ako." Tanging nasabi ko dahil kapag nagsalita ako ng iba ay tiyak na papatayin na niya ako.
"May bahay din ako. Bahay natin kaya dito na ang tirahan mo!" Galit na sabi nito at biglang dumilim ang mukha.
Napalunok ako sa takot dahil sa itsura nito. Lumapit ito sa akin at madiin na hinawakan ang panga ko.
"Asawa na kita kaya dito ka tumira. Oras na galitin mo pa ako ay gigilitan ko na ang leeg mo! Naiintindihan mo?" Madiin na pagbanta nito na agad ko na kinatango-tango, kahit gusto ko siyang itulak at pagsasampalin.
"P-pero n-nandoon ang mga gamit ko sa apartment ko..." Mahina kong sabi at nauutal ang boses ko sa takot.
Ngumisi ito sabay pisil sa panga ko na kinaawang ng labi ko. Lumihis ang mga mata nito sa labi ko at ngumisi ng kakaiba, nakakatakot na ngisi.
"Bukas na bukas din ay kukunin ko para ilipat dito ang mga gamit mo. Sa ngayon ay paligayahin mo muna ako." Makahulugan na sabi nito sabay bitaw ng kamay nito at lumakad papasok sa isang pinto na tanging kurtina lang ang nakaharang.
"Ako nga pala si Leonti Rustico." Tumigil ito sa bungad ng pinto. "Ikaw, anong pangalan ng asawa ko?"
Ayoko sanang sumagot pero hinihintay nito ang sagot na inip na inip at masama ang timpla ng mukha kaya sinagot ko na ito.
"Kendra Palomares."
"Magandang pangalan sa maganda at sexy kong asawa. Kendra Rustico." Sambit nito na may malawak na ngisi bago ito pumasok na sa loob.
Doon ay bumuhos na naman ang mga luha ko. Napatingin ako sa pinto at nagdadalawang isip kung tatakas ba ako o mananatili na lamang dito. Takot na takot ako sa maaaring gawin sa akin ng lalaking iyon, alam kong may binabalak siya kaya nais kong tumakbo, pero natatakot din ako dahil tiyak na papatayin na niya ako.
Diyos ko... Iligtas Mo po ako sa lalaking ito...
Taimtim kong dasal habang nakaupo ako dito sa sira ng upuan na umiiyak. Napapitlag ako nang makita ang paglabas ng lalaki na tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa ibabang katawan nito, namamasa ang buhok at tumutulo pa sa katawan nito.
"Tapos na ako asawa ko. Gusto mo bang maligo? May mga damit naman ako at iyon ang suotin mo. Gusto ko na iyon ang suotin mo sa unang gabi natin ngayon." Sabi nito sa nakakalokong ngisi na nagpatindig ng mga balahibo ko sa katawan.
Lalo na iyong sinabi nito na kinatakot ko. Hinding-hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kaniya, nandidiri ako sa kaniya! Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko siya asawa para sabihin iyon sa akin. Ang kapal ng mukha nito!
"M-maawa ka... G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo maliban lang sa bagay na iyon... P-pakiusap huwag mong gawin iyon... N-nag-aaral pa ako..." Naiiyak ng pakiusap ko.
Lumapit siya sa akin at yumukod para hawakan ang panga ko, pinisil niya ito kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagkadisgusto niya sa sinabi ko. Galit ang mukha niya.
"Gagawin natin sa ayaw at gusto mo. Gagawin mo ang lahat ng gusto ko kung ayaw mong patayin kita, naiintindihan mo?" Dumiin ang kamay nito sa balat ko na kinagiwi ko.
Marahas nitong binitawan ang panga ko at lumakad na ito. Pero narinig ko pa ang kasunod nitong sinabi.
"Naghihintay ako sa kwarto natin. Kung ayaw mong maligo, sumunod ka sa loob." Mas lalo akong napahikbi sa narinig ko. Pakiramdam ko ay wala na akong kawala sa sitwasyin na ito.
Ilang minuto pa akong umiiyak nang tumayo ako at nanginginig na lumakad sa pinto na may harang na kurtina. Bumungad sa akin ang maliit na banyo. Tumutulo ng marahan ang tubig mula sa gripo kung saan may laman ng tubig ang balde.
Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang butones ng blouse ko, kasunod ng bra, pantalon ko at panty. Malinis na sinabit ko iyon sa sampayan dito kung saan nakasabit ang basang damit ng lalaking iyon.
Habang naliligo ako ay sumasabay din ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakababad sa tubig nang marinig ko ang boses ng lalaki na biglang lumitaw sa nakahawing kurtina, na agad kong kinagimbal at mabilis na tumalikod sabay takip ng maselang katawan ko.
"Sweetheart, gamitin mo itong tuwalya." Tumango lang ako nang makita ang paglagay nito ng tuwalya sa sampayan, habang nahuli ko ang pagkakatitig nito sa katawan ko.
"L-lumabas ka na..." Gusto ko siyang bulyawan pero pinigil ko dahil baka magalit ito at patayin na ako.
"Sige, hihintayin kita sa kwarto. Bilisan mo diyan, naiinip na ako." Pagkasabi nito ay lumabas na ito na kinalisik ng mga mata ko sa likod nito.
Manyak! Mamatay ka na sana!
Mabilis kong tinapos ang pagligo ko at ginamit ang medyo basa pang tuwalya na ginamit nito. Tinuyo ko muna ang buhok ko bago lumabas ng banyo na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ko, wala naman kase akong damit at ayoko naman isuot ang uniform ko.
Ilang minuto pa akong nakatayo lang dito sa labas ng banyo nang mapapitlag ako sa boses nito. Kinakabahan na nanginginig ako sa takot dahil alam ko ang mangyayari oras na pumasok ako sa loob ng kwartong iyon, masisira ang buhay ko. Mawawala ang iniingatan ko.
"Sweetheart, bilisan mo diyan! Kundi papasukin na kita diyan sa banyo!" Galit na tawag nito mula sa loob kaya natarantang napalakad ako sa pinto.
Nanginginig ang palad kong nakahawak sa seradura pero nagulat ako nang bumukas iyon at may humila sa akin papasok sa loob.
Akma akong hihiyaw nang may tumakip sa bibig ko habang nakasandal ako sa pinto. Madilim ang kwarto pero naaaninag ko ang katawan nito sa harap ko, tanging boxer lang ang suot nito.
"Sshh... Bakit ang tagal mo sa banyo? Kinakabahan ka sa unang gabi natin, asawa ko?" Kita ko ang nakakaloko nitong pagngisi at hinagod pa ang katawan ko, kinilabutan ako.
"H-huwag... p-please..."
© 2024 MAYAMBAY
BINABASA MO ANG
LEONTI RUSTICO
General FictionPapauwi na sana galing sa isang research sa school library si Kendra nang bigla na lang siyang hinarangan ng isang lalaking hindi niya kilala, may dalang kutsilyo habang nakatutok iyon sa tagiliran niya. "Gagawin mo ba ang gusto ko kapalit ng buhay...