KENDRA'S POVS:
"Ayoko ngang sabing uminom!" Tabig ko sa gamot na akma nitong ipapainom sa akin.
"Sweetheart, hindi gagaling ang lagnat mo kung hindi mo ito iinomin. Sige na, baka kung hindi ako makapagtimpi ay ako mismo ang magpapainom gamit ang bibig ko. Baka hindi lang bibig ko kundi pati na din ang alaga ko, gusto mo ba?"
Agad na nanlisik ang mga mata ko at marahas na kinuha ang gamot sa kamay nito. Sinubo ko ang tableta sabay kuha ng tubig sa isang kamay nito at uminom.
"Good girl, asawa ko. Magpahinga ka na at maghuhugas lang ako ng kinain natin sa kusina." Sabi nito pagkakuha sa baso na may malawak na ngisi dahil sa sama ng tingin ko dito.
"Huwag na huwag ka ng pumasok dito!" Galit kong pahabol na kinalingon nito sa gawi ko.
"Bakit? Bahay ko naman ito kaya may karapatan ako, asawa ko." Tugon nito at mas lumawak ang pagkakangisi.
"H-hayop ka! Pauwiin mo na ako sa bahay ko! Nandidiri ako sa iyo!" Galit pa na bulyaw ko pero binalewala nito ang galit ko at umiiling na lumabas.
Napahinga na lang ako ng maluwag nang mawala na ito sa harap. Galit na galit pa din ako sa hayop na iyon. Kung hindi ako nilagnat ay nakaalis na sana ako sa bahay na ito, pero wala akong lakas para lumakad o gumalaw.
Hindi tuloy ako nakapasok ngayon sa university.
Kailangan kong magpagaling para makaalis na ako dito at kailangan ko ng makapasok dahil tiyak ako na marami na akong namiss na subject ko, kahit ilan na lang ang subject ko.
Mabilis akong humiga sa kama nang marinig ko ang mga yapak nito. Kinuha ko ang kumot at mariin iyon kinumot hanggang sa dibdib ko habang nakatalikod ako sa may pinto.
Bumukas ang pinto at sumarado iyon. Narinig ko ang pagbukas ng kabinet at alam ko na kumuha ito ng damit. Ilang sandali pa ay umuga ang katre at tumabi ito ng higa sa akin sabay pulupot ng braso nito sa beywang ko.
"A-ano ba! Umalis ka nga dito at huwag mo akong yakapin!" Galit na tinabig ko ang braso nito pero dumiin pa iyon lalo kasabay ng pagsubsob ng mukha nito sa leeg ko.
"Huwag kang malikot, asawa ko. Matulog na tayo at magpahinga dahil medyo may lagnat ka pa." Bulong nito sa tenga ko dahilan para kilabutan na naman ako sa boses nito.
"Huwag mo akong yakapin!" Giit ko at pilit na tinatabig ang braso nito pero umungol lang ito at lalo pa akong kinabig sa katawan nito.
Ramdam ko ang matigas nitong katawan sa likod ko. Nakasando na itim at boxer lang ito kaya hindi na ako nagpumiglas pa dahil naramdaman ko ang matigas na bagay na iyon sa likod ko.
Baka kung magalit na ito ng husto ay makagawa na naman ito ng pagsisihan ko. Masakit pa ang katawan ko at may lagnat ako kaya hinayaan ko na lang ito na yakapin ako, kahit nandidiri ako sa yakap nito.
Pero... Bakit pakiramdam ko ay ligtas ako sa yakap nito? Parang secured ako sa mga bisig nito?
Mali itong nararamdaman ko!
Dapat galit ako sa kaniya dahil pinagsamantalahan niya ako! Nandidiri dapat ako sa mga bisig nito na siyang pumuwersa sa akin! Hindi dapat ako nakaramdam ng ganun! Hindi ko siya kilala at lalong hindi kami legal na mag-asawa!
"Matulog ka na, asawa ko..." Bulong na naman nito sa tenga ko na kinakislot ko. "Gusto lang kitang yakapin at wala akong gagawin sa iyo." Lumusot ang isang braso nito sa leeg ko para ipaunan sa akin.
Pareho kaming nakatagilid na higa habang nakaunan ako sa braso nito, habang nakayapos naman sa beywang ko ang isang braso nito.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang malalim nitong paghinga, kaya wala sa aking sarili na gumalaw paharap dito. Nakasalubong ko ang nakapikit nitong mga mata na may malalantik na mga pilik mata, salubong ang mga kilay nito na makapal, may matangos itong ilong, may manipis at mapulang labi, may mahulmang panga at mahabang leeg, at may matatag na mga balikat na malakas tingan.
Moreno ang balat nito at may nakita akong ilang peklat sa gilid ng kaliwang kilay nito, sa leeg, at sa bandang braso nito.
"Gwapo ka nga pero galit ako sa iyo dahil sa ginawa mo... Hindi kita mapapatawad. Sinira mo ako!.." Nanlilisik na bulong ko at alam kong hindi naman nito naririnig ang sinabi ko kaya ayos lang na sabihin iyon.
Pinikit ko na ang mga mata ko at agad akong nakatulog. Paggising ko ay wala na sa tabi ko ang hayop na lalaki. Bumangon ako at medyo gumaan na ang pakiramdam ko, medyo nawala na din ang pananakit ng katawan ko.
Lumabas ako ng silid at nakita ko na wala si Leonti sa bahay kaya nagmadali akong lumabas. Nilakad ko lang papunta ng apartment ko dahil wala akong pamasahe at ilang kanto lang ang layo mula dito.
Pagdating ko sa apartment ay naligo ako at nagbihis ng uniform ko bago nagpunta ng university. Nagpahatid ako sa tricycle at mabilis na dumiretso sa klase ko. Buti na lang at ilang minuto pa bago ako tuluyang ma-late sa klase ko.
"Beshy!!! I miss you! what happened? Ayos na ba ang pakiramdam? Hoy, sino iyong lalaki na tumawag sa akin noong isang araw, ha? Oh my gosh! Boyfriend mo?!"
Sunod-sunod na bulalas sa akin ni Lena nang maupo ako sa bangko ko. Nagulat naman ako nang marinig ang huling sinabi nito.
Pinakialaman ba ng lalaking iyon ang bag at cellphone ko?
"Pwede ba, tumahimik ka muna dahil ayan na si prof, oh." Turo ko sa prof namin na sakto namang kakapasok lang nito, kaya natahimik ang lahat.
"Kwentuhan mo ako mamaya, ha!" Bulong na pagsiko nito sa gilid ko.
Kakasukbit ko pa lang ng bag ko nang bigla na akong hilahin ni Lena sa kamay ko palabas ng pinto, dinala niya ako sa soccer field kung saan may nagpapractice na mga athletes doon, naupo kami sa isang bleachers.
"Sige na, kwento mo na kung sino ang lalaking iyon!"
__
© 2024 MAYAMBAY
BINABASA MO ANG
LEONTI RUSTICO
General FictionPapauwi na sana galing sa isang research sa school library si Kendra nang bigla na lang siyang hinarangan ng isang lalaking hindi niya kilala, may dalang kutsilyo habang nakatutok iyon sa tagiliran niya. "Gagawin mo ba ang gusto ko kapalit ng buhay...