Chapter 1
Nakailang subok na ako ngunit hindi ko pa din magawang kumatok sa kung saan ang opisina nya. Kung alam ko lang talaga na sya ang may-ari ng kompanyang ito ay hinding-hindi ko ito aaplyan.
Zakcheus Roldan, that jerk.
Ito ang unang araw ko sa trabaho bilang secretary nya. Sinubukan kong mag resign kahit pa kailangan ko itong trabaho ngunit naka sign na daw ako ng contract. Dibale one year lang naman madali lang ito, konting tyaga lang Brix makakaipon ka din.
Malakas akong kumatok sa pintuan. At pasigaw din siyang nagsabi ng 'come in'. Agad akong pumasok sa bukas nyang glass door. Halos iba't-ibang expression na ang nagawa ko dahil sa kaba.
" Are you planning to break down my door?" Sa tono pa lang ng pananalita nya ay alam kong galit na siya.
" No, Mr. Roldan" He tsk and crossed his arm.
"Uhm- Sir, Here are the papers you need to sign and for now you have no meeting to attend" It was hard for me to look into his eyes, kaya wala akong magawa kundi ang tumingin sa kisame. Tumikhim lang sya at kinuha ang mga nilapag ko sa mesa nya.
"That's all, Sir" Ani ko bago tumalikod at nag-umpisang lumakad ng marinig ko ulit syang mag-salita "Ms. Valdez"
Napahinto ako sa pag-lalakad at muling humarap sa kanya. " Did I ask you to leave?" I shook my head. Gosh!
" Is that how you perform your duties?" Yumuko ako at pinag-laruan ang sariling mga daliri habang nakikinig sa kanya " Or you're just running away from me?"
Napataas ako ng tingin sa kanya at na pakunot ng noo " I'm not running to you, Sir"
Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos bago mag-salita "Do you still need me? May kailangan pa ba akong ituro sayo, Sir?"
"I don't need you" Nag-tama ang mga mata naming dalawa, napailing na lang ako dahil pakiramdam ko iba ang ibig-sabihin ng tugon nito.
" Number one rule, before you leave wait for my permission" Maautoridad na tugon nito sa akin habang binabasa yung mga papers na ibinigay ko sa kanya.
"copy, Sir"
Nang makalabas sa kanyang opisina ay agad akong napasandal sa pader. Nakailang buntong hininga na ako ngunit pakiramdam ko'y nanginginig pa din ako sa kaba. Damn! Why do I have to feel this.
"Good morning Brix"
"Good morning Camille" I greet back. Nakakatuwa lang sa company niya ay napakabait ng mga katrabaho ko.
"How's your first?" She's smiling again. Hindi kaya sya nangangawit?
" It's good, but I'm a lil bit nervous" Makatotohanang tugon ko.
She tapped my shoulder. "Don't worry Mr. Roldan won't eat you. Believe me or not he's kind. Seryoso lang talaga ang mukha nya"
We both laughed. If she only knew. Makalipas lang ang ilang sandali ay nagpaalam na din sya, saktong pagkaalis nya ay dumating naman si Ezekiel.
"Ang saya mo ah, pinagpapalit mo na ba ako?" Nakapamewang pa talaga sya.
"OA mo Ezekiel" Sinubukan ko syang yakapin pero iniwasan ng loko.
" Wala ba kayong mga trabaho?" Sabay kaming napatayo ng maayos ni Ezekiel. Mabilis akong humarap sa kung saan sya.
" Inayos mo na ba ang mga gamit mo, Ms. Valdez?" I bowed my head. " Back to your work, Ms. Paz"
I glanced. She just nod. " Fix all your belongings and put it beside my office"
" I'm sorry, Sir. Hindi na mauulit" Wala akong natanggap na sagot, agad na lang itong umalis.
Kalahating oras din ang itinagal ng paglipat ko. Mula first floor hanggang tenth floor ba naman ang layo. Saglit akong umupo sa upuan ko. Iginala ang paningin sa paligid.
Napakaganda pala ng office nya. Kahit kailan talaga ay napakalinis at maingat nya sa bawat gamit. May mga design din sa bawat gilid. Malawak ang room na ito. Halos magkasama lang talaga kami sa iisang room. Ang tanging nagiging harang lang ay ang transparent glass.
Hindi ko na halos napansin ang mga ito kanina dahil siguro sa kaba na nararamdaman ko. Halos isang taon na din ang nagdaan at ngayon lang ulit kami nagkita.
" Finally, two papers left!" I stretched out my arm. Nakakapagod din pala kahit nakaupo lang.
"Mamaya ko na ito tatapusin" Tumingin ako sa orasan at ala sinco na pala ng hapon. Saglit ko pang tinignan ang phone ko dahil baka mali lang ang ikot ng orasan nya dito. Ngunit tama nga, ala sinco na talaga ng hapon.
Hindi ko man lang napansin?
May ilang text at tawag din si Ezekiel na hindi ko nakita. What the heck! Kaya pala feeling ko hinang-hina na ako dahil hindi ako nagtanghalian.
Ezekiel:
Where are you bitch? Bakit hindi ka nagrereply? Bwesit ka!I didn't bother to reply. Mamaya na lang sa bahay. I fixed all my mess and was about to leave when suddenly Zak entered.
" Why are you still here?" He's tired. Mula kanina ay ngayon ko lang ulit sya nakita.
" Hindi ko po napansin ang oras"
" Then leave" I bite my lower lip, Why does it hurt?
"Ingat sa pag-uwi Nak, Brix" Nakangiting bungad sa akin ni tatay Jose. Sya actually yung unang naging ka close ko dito sa Company maliban Kay Ezekiel, napakabait nya at approachable pa at ang swerte nga siguro ng asawa at anak nya.
"Salamat po tatay Jose, ikaw din po mag-iingat ka dito. See you tomorrow" Saglit pa akong ngumiti bago tuluyang umalis. Nag-lalakad na ako papuntang waiting shed at mga ilang sandali lang ay may dumating ng Bus.
"Mukhang malalim ang pinanghuhugutan ng hininga mo ah?" Nagulat ako sa taong nagsalita sa gilid ko. Naka yuko siya at may suot pa na cap. Tumingin tingin pa ako sa paligid ko baka may tao at pati na rin sa tenga nya kung may hawak ba syang cellphone baka kasi yun yung kausap nya.
"I'm talking to you" He chuckled "Kanina ka pa kasi humihinga ng malalim, mukhang may problema ka"
Dahan-dahan nyang tinanggal ang suot nitong sumbrero. Bahagya nya ding inayos ang nagulo nyang buhok. It looks so smooth. Saglit akong napatitig sa maamo nyang mukha. Hindi lang ito basta mukha. Kilalang kilala ko ang pagmumukhang ito. Ang kanyang mga mata. Ilong...
labi...
I immediately shook my head.
"What are you doing here, Azrael?"
"Of course this is a bus. What do you expect, Brix?" I tsk and shut my mouth. Mapapagod lang akong makipagsagutan sa kanya.
"You know what?" Tumingin ako saglit sa kanya ng mag-salita syang muli.
" Your so beautiful" Ano nanaman kayang trip nito. Hindi naman ako madadala sa beautiful beautiful na yan.
"Che! Tigilan mo na kakahithit ng katol hindi maganda ang epekto" Tumawa sya ng medyo malakas kaya napatingin yung ibang pasahero sa amin. Namula naman ang mukha ko sa kahihiyan ng dahil lang sa lalaking ito.
"Ikaw lang talaga ang babaeng sumagot ng ganyan sa akin" Napataas na lang ako ng kilay "Nagkakamali ka hindi ako babae, isa akong transgender" Nakasmirk kong tugon.
" Transgender ka pala? dapat ko na palang balaan ang kambal ko. Kailangang mag-ingat ni Ezekiel sayo" Napahalhak ito ng kurutin ko sya sa kanyang tagiliran. Parehas silang magkapatid ang ingay.
"Paano ba yan, dito na ako Brix? See you again" Nakangiti pa din ito sa akin.
"Don't you want to say goodbye?" Tango lang muli ang tanging na isagot ko sa kanya. Napailing na lang syang bumaba sa isa pang Bus stop station at saka kumaway pa.
Agad akong humiga sa higaan ko ng makarating ng bahay, grabe ang nararamdamang pagod ng katawan ko ngayon. Alas nuebe na ako nakarating dito sa bahay at bukas kailangan ko pang gumising ng maaga.
I'm tired!
Your votes, comments and shares are greatly appreciated!!!
BINABASA MO ANG
The Undying Love (ON-GOING)
Non-FictionBrixtia Valdez applied as a secretary in a big company after graduating, but unexpectedly, his boss is not just any boss or a professional person - it's his ex-boyfriend, Zakcheus Roldan. Will they be able to get closer to each other again? Will the...