ᴀʀɢᴜᴍᴇɴᴛ;
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩Ang weird lang nang mga kinikilos ngayon ni ethan, parang may nangyari kagabi na hindi ko alam. Napansin ko na hindi nya kasama ngayon si liam, lagi kasi silang magkasama.
"Ethan nasaan si liam?" Tanong ko. Nag bago ang expression ni Ethan at napalitan ng pilit na ngiti.
"Ako yung nandito Elliot, mamaya mo na hanapin si liam," sagot nya at kinuha ang tray sa hita ko at tumayo na paalis.
Ako naman itong hindi makapagsalita at nalilito sa kinikilos nya. Baka may hang-over pa sya kaya ganon sya magsalita. Maybe?
Humiga ako at napatulala nalang dahil hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko lalo na ang butas ko sa pang upo, kung nadulas lang ako at nahulog kagabi bakit pati butas ko masakit? Parang may pumasok na malaking bagay sa loob sa sobrang sakit.
Bumukas ang pinto at pumasok ulit si ethan, umupo sya sa tabi ko, hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos. Okay ang random ng ginawa nya. Nakakailang.
"Ethan, sinabi mo ba sa pamilya ko na ligtas ako at nandito sainyo?" Kinakabahan kong tanong, baka nag aalala na sila mama sakin.
"Oo, pinasabi ko sa mga kawal ninyo at sinabi ko rin na dito ka muna ng ilang araw, dahil wala namang pasok."
"Bakit tatlong araw?" Taka kong tanong staka bat sya ang nag dedesisyon?
"Masakit ang katawan mo 'diba? Syempre ayaw mong ikwento sa mga magulang mo ang kahihiyaan na ginawa mo." Sabi nya at habang pinipigilan ang sarili nyang ngumiti. Kumikibot kasi ang labi nya.
Tama nga naman sya ang tànga ko hindi ko 'yon naisip, pero nakakahiya naman kung mag s-stay pa ako dito.
"Ethan, nakakahiya naman kung dito pa ako sa inyo," napabuntong hininga ako at tinignan sya, nailang ako ng mag tama ang tingin namin sa isa't-isa, agad akong umiwas ng tingin.
"No. It's okay. My parents, they're already know you." Kalmado nyang sabi. Tumango lang ako.
"Ethan, gusto ko maglakad lakad." Pag iiba ko ng topic.
Ngumiti sya ng malaki at tinulungan akong tumayo. Hinawakan ako ni Ethan sa bewang at nag umpisa na kaming mag lakad. Napansin ko ang suot ko, nag iba na. Nakasuot ako ngayon ng malaking polo at maikling short. Palabas na kami ng pigilan ko si ethan sa paglalakad.
"Mag papalit lang ako ng short, ethan," bulong ko. Tinignan nya ang suot ko.
"Okay naman ang suot mo." Sagot nya at pinagpatuloy ang paglalakad, dahan dahan lang ang lakad namin ni Ethan. Ang sakit talaga nakakaiyak.
Nandito kami ngayon sa garden ni Ethan, dito nya ako dinala. Pag kapunta namin, nakita ko kaagad ang mama at papa ni Ethan na parang nag aaway. Gusto ko sanang umiwas, pero huli na dahil nakita na nila kami ni ethan.
Pinaupo nila kami sa isang mahabang upuan. May upuan kasi dito sa garden nila Ethan, may table na bilog sa gitna, tatlo ang upuan, dalawang mahaba at isang maikli lang, pang isahan lang ito at doon nakaupo ang tatay ni Ethan.
"Pa, dito muna si Elliot ng tatlong araw," paalam agad ni ethan, napakunot ang noo ko. Akala ko pinaalam nya na.
"Greetings king and queen." Pag bati ko.
"Nagiging kamuka mona ang papa mo Elliot," sabi ng tatay ni ethan at ngumiti. Wow ang gwapo!
Sinuklian ko rin ng malaking ngiti ang tatay ni ethan.
"Iho, ikaw ba ay maraming babae katulad ng papa mo?" Biglaang tanong ng nanay ni ethan na hindi ko inaasahan. Nag taka naman ako sa tinanong ng reyna, si papa maraming babae?
Nag tataka ko silang tinignan
"Babaero, dati ang papa mo ng kaedad mo sya. Mabuti nga ay nagtin—"
"Wag mong itutuloy ang sasabihin mo sunny," banta ng tatay ni ethan. Medyo naging awkward ang paligid.
"Aalis na ako, may gagawin pa akong trabaho. Elliot Sana maging komportable ka dito," pag papaalam ni king Eros at agad na umalis.
Naiwan naman si queen sunny. Nawala ang ngiti nya ng tumingin sya sa akin. Nakakailang ang tingin ng reyna sa akin, parang isa akong malaking dumi sa paningin nya. Kahit pandak ako. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Ahem... mom stop staring," suway ni Ethan sa mama nya. Buti naman at sinuway nya, naiilang na kasi ako e.
"Ayan ba ang tamang suot ng tunay na lalaki? O baka naman inaakit mo si Ethan? May nobyo na si Ethan iho at wala kanang pag asa." Nakataas ang kilay nya habang sinasabi ang ᴍga katagang 'yon. Biglang umakyat sa ulo ko ang init dahil sa hiya.
"Mom, stop Elliot is my friend!" pag papatigil ni Ethan sa mama nya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko doon.
"What? I'm just stating the fact and Ethan wag mo akong sigawan. Nanay mo ako!" tumayo ang reyna at hinampas nya ang lamesa habang sumisigaw. Ang tinis ng boses nya na nag palala ng bigat na nararamdaman ko.
"First, I'm not interested of man. Lalo na sa anak nyo. Second stop screaming queen." Kalamado ko syang tinignan. Napaupo si Ethan at parang nanghina sya bigla pagkatapos ko 'yon sabihin.
"Sumasagot ka sa isang reyna?!" Naiirita nyang tanong habang nakataas ang kilay.
"Paumanhin ngunit, hindi ko matatanggap ang mga sinasabi nyo saakin," ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa baba, dahil sa takot at pagkapahiya.
Si Ethan naman, parang tànga na naka tulala lang. Hindi manlang pinapatigil ang nanay nya.
"Ikaw! Manang mana ka sa nanay mo mga walang modo!" Lumapit sya saakin at sásampalin sana ako, ng hawakan ko ang kamay nya at tinulak sya. Self defense lang ang ginawa ko.
Napaupo naman ito. Nagulat pa ako dahil mahina lang naman ang pag kakatulak ko sakanya. Nanghihina pa kasi ako dahil masakit ang katawan ko kaya mahina lang.
"Elliot! Stop you're hurting my mom!" Nagulat ako sa pag sigaw ni Ethan. Pinuntahan nya ang mama nya at binangga ang balikat ko, napaupo ako sa upuan dahil pagka wala ng balanse. Ang sakit, napangiwi naman ako.
Nakita ko kung paano tulungan ni Ethan ang mama nya patayo at tumingin sa akin ng may galit.
Hindi ko sya masisisi kahit ako, kakampihan ko ang nanay ko kahit na mali pa ito. Syempre bakit nya naman kakampihan ang katulad kong kaaway nya at hindi nya lubusang kilala.
"Tinulak nya ako Ethan at wala pang modo yang kaibigan mo." Sarkastikong sabi ng nanay ni ethan.
"Ikaw ang nauna! Dinamay mo ang inosenteng nanay ko!" Nawalan na ako ng control at purong galit na ang nasa loob ko, naubos na ang pasensya ko.
Napatigil sya bigla at may tumulong luha sa mata nya. Naguilty ako bigla.
"Elliot, Hindi ka ba titigil? Mas matanda sya sayo at isa pa totoo naman ang sinabi ni mama." Madiing wika ni ethan. Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Ang sakit nya mag salita.
"Wala akong mali na sinabi, pinag tanggol kolang ang sarili ko at ang nanay ko! Kung galit ka dahil sa nakaraan nila, pwes wag mo akong idamay!" Halos pumiyok na ako sa pag sasalita.
"Wala kang Alam!" Nasasaktan nyang sigaw. Hindi naman ganto ang ugali ko, siguro ugali ito ng dating Elliot pag dinamay ang pamilya nya.
"Meron akong alam, ikaw ang makitid ang pag—" naputol ang sasabihin ko ng mabilis na lumapit saakin si Ethan at tinaas nya ang kamay nya papuntang muka ko.
Napapikit ako dahil alam kong dadapo 'yon sa pisngi ko. Naramdaman ko ang mainit na likido na galing sa mata ko, gumuhit ito pababa sa pisngi ko.
𝙏𝙊 𝘽𝙀 𝘾𝙊𝙉𝙏𝙄𝙉𝙐𝙀𝘿.....
ᴍᴀᴛsᴀʟᴏᴠᴇ sᴀ ᴘᴀɢ ʙᴀʙᴀsᴀ 💙 ʙᴛᴡ -1 ᴇᴛʜᴀɴ
Vote|Comment
Ⓔⓝⓙⓞⓨ ⓡⓔⓐⓓⓘⓝⓖ!
![](https://img.wattpad.com/cover/366972861-288-k962214.jpg)
BINABASA MO ANG
BOYSLOVE: His Shattered Heart
Novela JuvenilREINCARNATION SERIES ONE They didn't cheat but they betrayed me. Betrayal is the worst thing they did. Nang na-reincarnate si kyle sa loob ng libro, unang pumasok sa isip nya ay wag guluhin at layuan ang dalawang lalaki na bida sa storya. Ngunit hin...