Tanong ng Aking Anino

111 8 3
                                    

"ANO ako?" tanong minsan ng aking anino.

"Tao ako," 'yon ang sagot ko.

Ngunit may isang tanong pa umano na mas malalim rito,

"SINO ako?" balik-tanong sa akin nito.


Ang buhay ba ng tao pagkapanganak,

Sa problema at kasamaan masadlak na lamang, umiyak?

Ang tunay na tunguhin sa buhay, misyon ay gampanan,

At 'di lang hintayin ang huling hantungan.


Ngayon, "SINO ako?" tanong muli nito,

Nitong munti't makulit kong anino.

"Ikaw, anino, ikaw ay ako,"

At sa pagdating ng panahon tayo ay mabubuo.

-♢-

All Rights Reserved. Copyright © 2015 OhMyGelou. Copying any part of this poem without the consent of the author is a crime. NO TO PLAGIARISM.


Tanong ng Aking AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon