Chapter 02

49 7 0
                                    


•••Third Person's POV•••


3 araw ang nakalipas

Nang makarating sila sa isang Isla kung saan dumaong ang Barkong kanilang sinakyan

Nagbabaan na din halos lahat ng pasahero ng magpasya silang bumaba, ayaw kasi nilang makipag siksikan at makipag unahan sa sa mga kasabayan nilang pasahero

Alas sais iyon ng umaga kaya napapangiti sila dahil amoy na amoy nila ang preskong simoy ng hanging dagat

Napapikit nalang si Reign habang dinuduyan ng hangin ang kanyang mahaba at kulay chesnut niyang buhok, napapangiti nalang siya dahil halos limang taon na siyang hindi nakapunta sa Isla nila Faye, halos nasa Third year highschool sila noon ng sumama siyang magbakasyon sa kaibigan

Kaya ngayon lang ulit sila nakapagbakasyon dahil naka graduate na sila, magpapahinga muna sila ng tatlong buwam bago sila maghanap ng trabaho

"Hahanap tayo ng bangka na maghahatid sa Isla namin,"ani ni Faye,"Hintay lang kayo dito at maghahanap ako ng maarkilang bangka habang maaga pa,"

"Sige, hintayin ka namin dito,"tugon niya sa kaibigan,"Bilisan mo lang ha?,"bilin pa niya

"Oo, para andoon na tayo ng tanghali,"tumango lang sila bago umalis ang dalaga para maghanap ng maghahatid sa kanila sa Isla

Naglakad na si Faye papunta sa mga nakadaong na bangka para maghanap ng kanilang masasakyan

Ilang bangkero na amg nakausap niya ang tumanggi kahit doble na ang ibabayad nila na ipinagtataka niya, hind naman sinasabi ng mga iyon kung ano ang dahilan kung bakit ayaw silang ihatid  doon kaya naman naghanap pa siya hanggang sa may isang lalake ang pumayag kaya naman laking tuwa niya

Kinawayan nalang niya ang mga kaibigan na kanina pa siya sinusundan ng tingin ng mga iyon,

Mabilos naman na dinala ng anim ang kani kanilang mga bag pati na ang kay Faye bago mabilis na pinuntahan ang kaibigan na nakasakay na sa bangka

"Sakay na pp layo,"yaya ng matandang bangkero sa anim

"Salamat po,"ani niya bago sumakay at naupo sa tabi ni Faye bago pumuwesto ang lima sa likuran nila

Ilang sandali pa ay lulan na sila ng bangka na papunta sa Isla Silim kung saan nakatira ang pamilya nila Faye

"Mga dayo ba kayo mga sa Islang iyon mga bata?,"tanong ng bangkero sa kanila,"Alam niyo ba kung ano ang mayroon sa Islang iyon ha?,"

"Po?,"nagulat na tanong ni Faye,"Hindi po kami dayo, Amang, doon po nakatira ang buong pamilya ko simula pa ng bata ang lolo ko,"

"Bakit ano po ang mayroon doon, Amang?,"tanong niya sa bangkero

Umiling lang ang bangkero at nanahimik habang nakatanaw sa Isla na nasa di kalayuan

Habang nasa laot sila ay nakita nila ang dalawa pang Isla na nasa magkabilaang bahagi ng Isla Silim lalo na ang nasa si kalayuan na parang wala ng nakatirang kahit ano mang uri ng tao o hayop ang nandoon

"Anong Isla po iyan?,"tanong naman ni Cathy sabay turo sa Islang may kadiliman

Hindi kumibo ang bangkero, umiling iling lang ito habang napapayuko na tila may takot na nararamdaman

Isla ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon