Chapter 07

42 4 0
                                    


•••°°°•••°°°•••°°°•••

Karugtong ng Nakaraan

Ilang sandali pa bago nahimasmasan si Ambet, kaagad siyang tumayo, kinuha ang kanyang itak at hinagilap ang aswang sa labas ng kanilang tahanan na sa pag aakalang nasa paligid pa ang salarin na lumapastangan sa kanyang asawa at sa kanilang magiging anak sana

Inikot niya ang buong paligid para hanapin iyon pero hindi niya nakita kaya nagpasya na siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay, dumiretso siya sa kanilang silid para kumuha ng malinis na kumot na ipangtatakip sana niya sa wala ng buhay na katawan ng kanyang asawa

Pero nagulat siya pagpasok niya sa kanilang silid dahil kitang kita niya ang isang nilalang na kasalukuyang nilalantakan ang maliit na katawan at alam niyang sanggol iyong nasa kamay nito, dahil sa kasarapan ng pagkain nito ay hindi na namalayan ng nilalang na iyon ang kanyang prisensiya at ang kanyang pagsigaw at pag iyak kanina

Walang itong pakialam sa paligid, kaya napagmasdang maigi ni Ambet ang nilalang na iyon, may mahahaba itong panga na katulad ng isang baboy ramo na mayroong dalawang matatalas na pangil, nababalutan naman ng malalago at maiitim na balahibo ang buong katawan nito, may dalawang malalaki at mapupulang mga mata

Dahan dahan niyang nilapitan ang nilalang na iyon, hindi na siya nakapagpigil dahil sa galit at poot na nararamdaman niya, dahil sa nakikita niyang nilalantakan nito ang sanggol na kinuha sa sinapupunan ng kanyang asawa, naawa siya sa kanilang anak na hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo kaya gumawa na siya ng isang pag atake na hindi pinag iisipan, pero laking pagtataka niya na hindi man lang nito iyon ininda

Pero sa halip ay binalikan siya ng atake ng nilalang na iyon na ipinagpalagay niya na isa iyong aswang, binigwasan siya ng nilalang na iyon na may nakakatakot na itsura, nasapol siya at tumama iyon sa kanyang dibdib, kaya tumilapon siya sa lupang sahig ng kanilang bahay

Ilang sandali pa bago siya nakabawi mula sa pagkakatilapon niya at sa sakit na kanyang nararamdaman, kaagad siyang bumangon at tumakbo ng mabilis, para makalayo at makatakas sa lugar na iyon

Nagtatakbo siya papunta sa tabing dagat at nakita niya ang mga pulutong ng mga taong nandoon na alam  niyang mga mangingisda iyon na nagkukumpulan ng mga sandaling iyon







Nagtataka naman ang mga mangingisda ng nakalapit sa kanila si Ambet, napapakunot pa ang noo ng mga ito ng makita ang itsura ni Ambet na tila ba pinagsakluban ng langit at lupa

Nagulat sila ng bigla iyong nag iiyak sa kanilang harapan habang nakaluhod, kaya nilapitan nila iyon at tinanong

Sa pagitan ng pag iyak nito ay naikwento nito sa kanila ang karumaldumal na nadatnan nito sa kanilang bahay at ang nangyari sa kanyang mag ina, alam nilang labis labis ang paghihinagpis ni Ambet ng mga sandaling iyon, kaya inutusan ng isang mangingisda ang kanyang kasamahan na tawagin ang mga kaanak ni Ambet para maalalayan ito na kaagad naman na mabilis sinunod iyon ng kanilang kasama

Ilang sandali pa ay humahangos na dumating ang ilang kaanak nito kabilang na ang pinsang si Criselda na noon ay limang taong gulang pa lamang, nalaman na din nila ang nangyari sa asawa at sa magiging anak nito

Ilang beses nilang inaalo si Ambet pero patuloy pa din iyion sa paghihimutok nito at sa sobrang galit, nagwawala na iyon at hindi na nila maawat kaya hinayaan nalang nila iyon para mailabas nito ang galit at sama ng loob na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon

Halos magpagulong gulong ito sa dalampasigan ng mga oras na iyon, hindi na nito naalala ang bangkay ng kanyang asawa, kaya napagpasyahan ng mga kaanak niya na sila na lamang ang umasikaso ng bangkay ni Melba

Isla ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon