Chapter 04

49 7 2
                                    

•••°°°•••°°°•••°°°•••

Kinabukasan

Maagang nagising ang lahat kahit na halos madaling araw na sila nakatulog, masayang mukha naman nina Cathy at Irene ang nakikita nila dahil sa sapat ang tulog ng mga iyon, habang sina Alex at Ace ay halos hindi kumikibo lalo na si Alex na halos ayaw kumibo kaya natatawa nalamg ang lahat dahil sa reaksiyon ng binata

"Mag aalmusal ba tayo o aalis na?," tanong ni Tita Edna sa kanila,"Para maaga tayo makarating doon, baka andoon na ang mga nangisda noong nakaraang araw,"

"Pagkapehin mo muna sila, anak,"ani ni Lola Criselda,"Tapos doon nalang kayo mag almusal, may mga tinda din doon na mga almusal,"dagdag pa nito

"Sige po, Lola,"pag sang ayon naman nila,

"Magkakape lang po muna kami,"ani ni Faye sa tiyahin

"Heto,"sabay abot ng tig iisang paper cup sa mga kaibigan,"Inumin nalang natin ang kape habang naglalalad, diba tita?,"

"Tama, Reign,"sabay thumbs up nito sa dalaga,"Kaya tara na girls,"yaya sa kanila

"Magpapaiwan nalang po kami,"ani ni Alex

"Magsisibak nalang po kami ng panggatong,"sabi namana ni Richard sa kanila

"Mag igib nalang ako ng tubig sa balon,"sabi naman ni Ace kaya nagtawanan nalang sila bago iniwanan ang mga iyon sa bahay

Alam nilang umiiwas lang ang mga iyon saga bitbitin, kaya hindi na nila pinilit ang mga na sumama

May dala namang basket na malaki si Tita Edna na nakapatong sa stoller na hinihila nito, bale dalawa iyon kaya siya na ang humila sa isa habang naglalakad sila papunta sa dalampasigan

May mga nakakasabayan din sila sa paglalakad at iyon ang mga nakakausap ni Tita Edna, mga kumare nito ang ilan at kaibigan ang iba naman habang silang apat ay nakikinig lang at nakikitawa nalang kapag may pinagtatawanan ang mga iyon, kaya minsan napapailing nalang siya

Halos isang oras bago nila narating ang dalampasigan, tanaw nila ang anim na may kalakihang bangka ang nakadaong doon at may iilan ng mga mamimili ng mga sariwang isda at lamang dagat na dala ng mga mangingisda

"Tara doon tayo kina Kapitan Ariel,"yaya ni Tita Edna habang tila nanahimik lang si Reign kaya siniko lang siya ni Faye na nakangiti

"Ewan ko sayo,"anj niya sabay lakad papunta sa isa pang bangka at patingin tingin sa mga nahuli ng mga iyon kung may magugustuhan ba siya doon

Habang sina Irene at Cathy naman ay nag ikot ikot sa mga tindahan ng makakain na nasa hindi kalayuan sa pwesto ng mga mangingisda habang ang mag tiya ay pumunta sa pwesto nila Kapitan Ariel

Matapos niyang tumingin tingin ay umalis na siya doon para puntahan sina Faye na ansa di kalayuan, nakayuko siya kaya hindi niya nalita ang papasubong sa kanya kaya nabunggo siya

"Ay sorry Miss,"ani ng isang baritonong boses na nakahawak sa bewang niya para hindi siya matumba

"Ayos la-,"hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makita niya ang mukha nito, nagkatitigan sila at tila huminto ang mundo at oras ng mga sandaling iyon

Isla ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon