Chapter 03

45 6 1
                                    

•••°°°•••°°°•••°°°•••

Gabi

"Mga apo,"ani ni Lolo Edwin,"Isa lang ang ipapaalala ko sa inyo,"

Nagkatinginan naman silang anim bago tumingin ulit kina Lolo Edwin at Lola Criselda

"Kahit anong madinig ninyong ingay, sigaw, kaluskos at lalong lalo na kapag may kumatok ay huwag na huwag ninyong bubuksan ang pintuan, delikado at mapanganib, ikapapahamak nating lahat iyon,"paalala nito sa kanila

"Anong pong mayroon?,"tanong ni Ace na halatang may binabalak

"Bukas na natin pag usapan iyan mga apo,"ani ni Lola Criselda,"Magpahinga na kayo at gabi na,"utos nito

"Maaga pa po,"angal naman ni Alex na halatang unti unting lumalabas ang tunay nitong ugali,"Alas siyete pa lang po, baka po pwede lumabas?,"

"O maginuman po sa labas?,"tanong naman ni Ace

"Hindi pwede,"ani ni Tiyo Fernan na nagtatangis ang mga bagang,"Sinabi na ni Tatay na delikado kaya makinig kayo, bukas na kayo gumala kahit maghapon pa,"

"Tama si Kuya,"pagsang ayon naman ni Tiya Edna,"Pwede naman kayo mag inuman dito sa loob pero huwag na huwag kayong gaanong mag iingay,"

"Madidinig nila kayo at maaakit ninyo sila sa ingay ninyo,"ani ni Lolo Edwin

"Huwag na matigas ang ulo,"ani ni Richard,"Bukas balang tayo gumala at mag inuman, mamalengke tayo bukas ng umaga,"

"Oo nga pala,"naalalang sambit ni Tiya Edna,"Walang palengke bukas, sa dalampasigan tayo magpunta, doon tayo bumili ng mga sariwang isda, halamang dagat at mga seafoods, mag abang tayo doon bukas ng alas otso,"

"Sige gusto po namin iyan," ani nina Cathy at Irene,"Sariwang isda, halamang dagat at mga seafoods,"

"Sige, magsipagpasok na kayo sa inyong mga silid,"utos ni Lola Criselda,"Kung makikipag kwentuhan kayo limitahan niyo lang at huwag na huwag kayong mag sisigawan,"paalala nito

"Opo,"kuro nipa bago sila pumasok sa bawat silid nila

Magkakasama sa isang silid ang tatlong binata, sa kabila naman ay sina Irene at Cathy habang si Reign ay sa kwarto ni Faye tumuloy







Alas Onse ng Gabi

Nagising sina Faye at Reign ng makadinig ng sunod sunod na pag atungal at pag iyak ngga hayop sa katahimikan ng gabi, kaya nagkatinginan silang dalawa bago tumayo sa kanilang kinahihigaan

Tahimik na nilapitan ni Reign ang bintana at binuksan iyong ng bahagya para makasilip sa labas ng bahay

Gamit ang maliwanag na buwan ay kitang kita niya ang mga gumagalang nilalang sa paligid, habang ang ilan ay may nilalapang alagang hayop ng mga taga Isla

Kaya napapailing nalang siya at bahagya niya iyong isinarado ng maigi, dahil nakaramd din siya ng kaba para sa mga kasa nila

"Mga aswang,"bulalas niya ng tinignan siya ni Faye at nagtatanong ang mga tingin nito sa kanya,"Napakarami nila sa labas,"

Napatutop nalang sa sariling bibig ang kaibigan bago naupo ng tahimik sa higaan habang napapailing nalang

"Matagal na bang may aswang dito?,"tanong niya

Isla ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon