date written: april 14, 2024
»»———- 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐕𝐀𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 ———-««
════ ⋆★⋆ IRITANG-irita na ako dahil sa init ng panahon. Bakasyon na kaya dapat ay matuwa ako, kaya lang ay malabong mangyari dahil muli ay nasa South Korea na naman ako para sa bakasyon. Nandito kasi ang parents ko, ngunit sa Sweden talaga ako naka-base kasama ang grandparents ko, dinadayo ko lang ang parents ko sa South Korea.
Pagpasok namin sa bahay ay humilata kaagad ako sa sofa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa panahon dito. Malamig din naman sa South Korea, kaya lang ay mas malamig pa rin talaga sa Sweden. Sakto na summer pa rito ngayon.
"Namimiss mo na ba kaagad ang panahon sa Sweden?" Nakatawang tanong ni daddy sa akin
"Yes po. Iba pa rin talaga 'yong temperature do'n, kahit summer malamig."
"Sinabi mo pa. Kaya lang ay kailangan mo na ulit masanay at dalawang buwan ka rin dito sa amin ng daddy mo." Wika naman ni mommy saka lumapit sa akin at inayos ang buhok ko.
"Pahinga lang po ako sandali, tapos maglilibot muna ako. Matagal akong hindi napunta rito dahil hinold ako." Nakasimangot na wika ko
"Ay, ano na nga ba ang nangyari ro'n? Hindi mo na naikwento sa amin."
"Edi ayon, inakusahan nila akong nandaya sa exam, since nauna akong mag-take dahil nga may sinalihan akong bike competition na hindi involved ang team ko sa university. Bukod sa ibinagsak ako ng teachers at pinagretake ng exams, matapos akong i-hold ng ilang linggo ay pinaalis na rin nila ako sa team. Hindi sila aware na wala namang mararating ang team kung hindi dahil sa akin." Naiinis na paliwanag ko sa kanila
"Alam ba nila mama at papa ang tungkol d'yan?" Tanong ni daddy
"Hindi. Hindi ko na binanggit kasi alam ko na kung ano ang mangyayari. Ayaw ko naman nang maging problema pa ako kay lolo at lola." Pagkasabi no'n ay tumayo na rin ako
"Alis po muna ako." Paalam ko sa kanila
"Hindi ka ba man lang napapagod sa byahe?" Tanong ni dad, kung kaya ay umiling na lamang ako at lumabas sa bahay. Kinuha ko ang bike ko sa garahe, na kasama kong umuwi sa Korea. Palubog naman na rin ang araw kaya hindi na gano'n kainit ngayon.
"Hi, my nabi." Nakangiting bati ko sa bike ko na ang tagal ko ring hindi nahawakan dahil pinatigil ako magbike ng grandparents ko dahil sa balita na may naaksidente sa malapit sa amin sa Sweden.
⋆★⋆
Randomly lang akong nag-s-stroll nang mapadaan ako sa isang bike park. Ang daming tao na nagkukumpulan sa isang tabi na para bang manghang mangha sila. Napansin ko naman ang isang nilalang na gumagawa ng tricks. Ah, 'yon siguro ang nakaakit sa atensyon nila. Nakasuot siya ng mask at bucket hat to the point na hindi ko ba alam kung paano pa siyang nakakakita nang matino.
YOU ARE READING
our summer -★ hyuk kwon [completed]
Fanfiction[ not a part of any series. individual book ] I met you in the summer, but who would have expected it to end there?