date written: april 26, 2024
»»———- 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐒𝐀𝐃𝐍𝐄𝐒𝐒 ———-««
════ ⋆★⋆ NGAYON na ang araw ng pag-alis ko. Kahapon ay nagawa na namin ni Hyuk ang talagang mga balak namin. We also raced with each other, at sa kasamaang palad ay natalo ko siya. Sinulit ko na ang kahapon kaya halos buong araw kaming nagkasama. Pumayag naman ang magulang ko dahil 'yon naman na raw ang huli.
Nasa airport na kami ngayon, naghihintay sa takdang oras ng aking flight. Magkahawak kamay kami ni Hyuk na nakaupo sa waiting area. Iniwanan na muna kami ng parents ko para hayaan din kami. "So, anong balak mo?" Pagbasag ni Hyuk sa katahimikan.
"Are you willing to wait for me?" Mahinahong wika ko, habahg taimtim na nakatingin sa kanya.
"What do you think?" Napabitaw naman ako sa kanya saka siya hinampas sa braso. "Tinanong kita, tapos sasagutin mo rin ako ng isa pang tanong." Reklamo ko
"Just say the word, Viktoria." Ah, naiintindihan ko na ang gusto niyang iparating.
"Hyuk, I want you to wait for me." Seryosong sabi ko
"I'm more than willing to wait for you, Viktoria. Kahit gaano pa katagal 'yan, gagawin ko." Nakangiti namang wika niya at muling hinawakan ang kamay ko.
"Sinasabi ko sa'yo, kapag bumalik ako at nakita kitang masaya sa iba, isusumbong kita kay daddy!" Pananakot ko
Hindi na niya nasabi pa ang dapat niyang sasabihin dahil tinawag na ang flight number ko. Nakita kong paparating na rin ang parents ko kaya naman tumayo na kaming dalawa ni Hyuk.
"Paano ba 'yan, I have to go now." Medyo may kalungkutang wika ko saka ko isa-isang tiningnan ang mga kasama ko.
"Mag-iingat ka ro'n, ha? Magpakabait ka sa lolo at lola mo at saka mag-aaral kang mabuti." Naluluhang bilin ni mommy
"Mom, don't cry, babalik pa naman ako. Tatapusin ko lang college ko ro'n." Hanep naman kasi, nahahawa ako sa kanya na naiiyak e.
"Alam ko, pero kasi mamimiss ka na naman namin ng daddy mo, pati nitong si Hyuk." Aniya
Binitawan ako ni Hyuk kaya kaagad akong yumakap sa parents ko. "Tatawag ako kung magkakaroon ako ng free time, don't worry. Hindi ko naman kayo malilimutan." Ramdam ko ang yakap nilang parehas sa akin. Susulitin ko na 'to dahil taon ang bibilangin para maranasan ko ulit ito.
Muli kong narinig ang pagtawag sa flight ko, kaya naman kumalas na ako sa yakap.
"I really have to go, baka maiwanan pa ako." Nakangiting sabi ko, kaya lang ay may humirit pa.
"Sorry, auntie at uncle." Dinig kong sabi ni Hyuk, kaya napakunot na lamang ako ng noo.
Nabigla naman ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at bigla na lamang akong siilin ng halik sa labi. Sa tantsa ko ay halos isang minuto rin ang itinagal bago siya humiwalay at yumakap sa akin.
"I'll see you soon, Viktoria. I love you."
⋆★⋆
"I'll see you soon, Viktoria. I love you."
Ilang beses nang paulit-ulit sa pagpe-play sa utak ko ang mga salitang 'yan. Ni hindi ko nga magawang matulog man lang sa flight dahil kinikilig ako. Punyeta naman kasi, Hyuk. Nalulungkot man ako dahil kinailangan ko nang umalis, at magtatagal bago kami muling magkita, kaya lang at the same time ay para bang nabigyan din ako ng lakas ng loob para mas magpatuloy dahil alam kong may pinanghahawakan na ako at may babalikan ako.
Thank you so much, Hyuk. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako magbabago in a good way. I promise, babalik ako. Once na bumalik ako, I'll make sure na maipagmamalaki niyo na ako. I want to be better.
[ note: short chapter but yeah. ]
YOU ARE READING
our summer -★ hyuk kwon [completed]
Fanfiction[ not a part of any series. individual book ] I met you in the summer, but who would have expected it to end there?