date written: april 25, 2024
»»———- 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐋𝐎𝐕𝐄 ———-««
════ ⋆★⋆ KULANG na tatlong linggo na lang ang natitira sa paglalagi ko sa South Korea. Habang lumilipas ang araw ay mas parang ayaw ko na talagang umalis. Ang dami-dami ko kasing kinatatakutan once na kailangan ko na talagang umalis.
"Umiiyak ka naman na r'yan?" Tanong sa akon ni Hyuk habang pinapahid ang luha ko. Humarap ako sa kanya at mahigpit na humawak sa manggas ng jacket na suot niya.
"Hyuk... a-ayaw kong umalis." Nanginginig kong wika at saka napakagat na lamang sa labi ko. He lightly touched my lips with a smile on his face.
"Stop what you're doing." Biglang pagseseryoso niya kaya naman napatigil ako sa pagkagat ng labi. "Natatakot ka ba sa maaaring mangyari once na umalis ka?" Dugtong na tanong niya, and this time ay hinahaplos niya na ang pisngi ko.
"Yes. Hyuk, matagal akong mawawala. Do'n ako magtatapos ng college!" Giit ko
"Anong year mo na nga?"
"Third year na sa next pasukan."
"I see. Hindi na lang ako kikibo sa ngayon dahil gusto ko na ikaw mismo ang magdedesisyon sa araw ng pag-alis mo." Aniya, saka pinisil ang pisngi ko pero hindi naman masakit.
"What do you want to do? Sulitin na natin ang mga araw na narito ka pa. Matagal tayong hindi magkikita." Nakangiting tanong niya
"Ice skating. Marunong ka ba?"
"No, pero handang matuto para sa'yo. Basta ikaw ang magtuturo, ha?" Natawa naman ako sa sinabi niya
"Sure! Seoul plaza?"
"Anywhere my girl wants." Malarong sambit niya kaya itinago ko kaagad ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko na kaagad ang pag-init ng mukha ko.
"Anong your girl?"
"Gusto ko, bakit ba." Pangangatwiran niya naman before sticking his tongue out at me. Harot!
⋆★⋆
Buti na lang at hindi mainit ang araw ngayon kaya makakapag-enjoy kami sa skating rink. Hindi rin karamihan ang tao kaya pakiramdam ko ba ay parang umaayon sa aming dalawa ang panahon ngayon.
Matapos ko magsuot ng sapatos ay tumayo na ako kaagad habang si Hyuk naman ay parang bata na hindi maipinta ang mukha. "Hoy, paano kung tumumba ako rito? Maling desisyon ata ito." Nag-aalangang saad niya
"Hold my hands. Hindi naman kita bibitawan." Masayang wika ko naman saka ko inilahad ang kamay ko. Hinawakan man niya ito ay hindi pa rin niya magawang tumayo. Nanginginig si gago!
"Halimaw kung mag-bisikleta, hindi takot madisgrasya sa kalsada, pero takot madulas at bumagsak sa yelo?" Pang-aasar ko sa kanya. Kabod naman siyang tumayo, 'yon nga lang ay medyo nawalan ng balanse, ngunit nakabawi naman din kaagad. Akay-akay ko siya habang papunta kami sa yelo.
Hindi ko mapigilan na mapabunghalit ng tawa dahil pagkatungtong niya ay nadulas na siya. Understandable naman dahil hindi nga siya marunong, pero kasi... ang cute cute ng mukha niya nung lumagapak ang pwetan niya sa yelo.
"Sige, ganyan ka." Pasungit na wika niya. Naupo ako sa harapan niya at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Sorry na, you're just cute kaya ako natawa. 'Wag na magsungit, hm?" Sambit ko bago ko siya halikan sa noo.
"Tayo na d'yan. May tiwala ako sa'yo na may balanse ka na after that fall."
Nanginginig man siya ay sinubukan niyang tumayo. Nadudulas dulas siya, pero hindi na nawalan nang balanse. "Nice! That's my Hyuk!" Masiglang sabi ko
"Hawak ka sa bewang ko, then sundan mo lang ang ginagawa ko. May tiwala akong mabilis ka matuto."
Tumalikod ako sa kanya at ramdam ko rin ang paghawak niua sa bewang ko. "Baka naman magpanggap na lang akong hindi marunong nito talaga para lang mahawakan kita ng ganito." Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. He just chuckled so I started skating. Puro tawa ko na lang ang naririnig ko dahil talagang naaaliw ako sa tuwing nasa yelo ako. Late ko naman na ring narealize na magaan na ako.
Lumingon ako kay Hyuk at laking gulat ko nang makita siya nakatayo sa bandang gitna. Nakacross arms at nakapose pa siya samantalang heto ako, abot ang skate. Helvete! Kaya niya talaga mag-skate?
"Kwon Hyuk!!" Hiyaw ko sa kanya, dahilan para tumingin sa akin ang mga tao. Mabilis akong nagpunta sa kanya saka siya itinulak. "How dare you! Marunong ka naman pala, e!" Reklamo ko, kaya itong isa naman ay tumawa lang. Tawang fuck boy gano'n.
"Gano'n kasi pumorma, Tori. Akalain mo, nahalikan pa ako sa noo?" Pamumwisit niya kaya naman ay itinulak ko ulit siya. Natawa rin naman ako nang malakas afterwards.
"You got me there." Hinawakan ko ang kamay niya. "Let's skate together properly then."
Tila ba may sarili na kaming mundo na dalawa. Tuwang-tuwa habang nagpapaikot-ikot sa skating rink. Walang pakialam sa ibang tao. "Hyuk, I like you. Thank you for letting me experience summer love." Lakas loob kong sabi.
There! I said it! Wala nang bawian ito. Ang saya sa feeling. Pakialam ko ba kung mabilis? Namimili ba ng panahon ang pag-ibig kasi? Kusang dumarating 'yan.
YOU ARE READING
our summer -★ hyuk kwon [completed]
Fanfiction[ not a part of any series. individual book ] I met you in the summer, but who would have expected it to end there?