『 bonus chapter 』

98 9 0
                                    

date written: april 30, 2024

»»———- 𝐌𝐎𝐑𝐄 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐘𝐎𝐔  ———-««

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐌𝐎𝐑𝐄 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐘𝐎𝐔  ———-««

════ ⋆★⋆ MULI ay nagbabalik na ako sa lugar kung saan ang tagal tagal ko nang gustong balikan. Ang dalawang taon kasi ay naging apat kaya naman inip na inip ako. Niloloko na nga ako ng grand parents ko dahil buryong na buryong na raw ako sa kanila at para bang gustung-gusto nang tumakas anytime. Ipinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at naintindihan naman din nila. Katulad ng parents ko ay natuwa rin sila dahil nagbago na raw talaga ako. Sabi pa nga nila ay dalhin ko rin daw sa Sweden si Hyuk para ipakilala sa kanila, dahil hindi na nila kakayanin pang bumyahe nang malayo. I agreed, kaya lang ay ako pa rin kaya?

Habang hila-hila ang maleta papunta sa waiting area sa airport ay hindi ko maiwasan na kabahan. Paano na lang kung wala pala si Hyuk? Kung hindi siya kasama ni mom and dad na maghintay sa akin sa pagbabalik ko? Paano kung hindi na pala ako at nakahanap na siya ng iba? Natatakot ako, kasi baka mapunta lang sa wala lahat ng efforts ko para magpakatino.

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil natanaw ko na si mom and dad, pero wala si Hyuk. Para bang nawalan ako ng gana dahil ang isa pang taong inaasahan ko ay hindi man lang naghintay sa akin. Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur haha.

Madali ang lakad ko papalapit sa magulang ko kaya lang ay may humawak sa braso ko, saka ako iniikot paharap. Hinawakan niyang maigi ang pisngi ko, tapos ay hinalikan ako kaagad sa labi. Bwisit naman, parang nangyari na ito noon bago ako umalis. Kilalang kilala ko na kaagad kung sino ang taong ito. I kissed him back and wrapped my arms around his neck. Hell, I don't want this to end.

He pulled away from the kiss and hugged me. "Welcome back, Viktoria. Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina. Nawalan ka ba ng pag-asa at akala mo ay naiwala mo na ako?" Pang-iinis niya. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakayakap sa kanya.

Bahagya niya akong itinulak para mapabitaw sa pagkakayakap at saka ako muling hinalikan. Nakakailan na itong lalaki na 'to, ha?

"I missed you so much, Tori. At alam kong mas namiss ka rin ng parents mo." Aniya. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako sinabayan na lumapit sa magulang ko.

"Ang laki ng pinagbago mo, anak! Sobrang nangulila kami sa'yo. Mabuti na nga lang at habang wala ka sa loob ng apat na taon ay hindi nagsawa si Hyuk sa araw-araw na pagbisita sa amin ng daddy mo." Maluha-luhang saad ni mom kaya naman ay napatingin ako kay Hyuk.

Totoo ba? Araw-araw silang pinupuntahan ni Hyuk? For four years?

"Keep him, Tori. Nakatagpo ka ng matinong lalaki." Nakangiting sabi naman ni daddy

Ang tagal-tagal naming nakatayo sa waiting area at nagkukwentuhan lang ng kung anu-ano, bago namin maisip na umuwi at do'n na lang sa bahay magkwentuhan pa ng kung anong nangyari sa kanila habang wala ako.

⋆★⋆

Pagdating sa bahay ay nagpatuloy nga ang kwentuhan namin. Ang pagod na nararamdaman ko dahil sa ilang oras na flight ay nawala dahil ramdam ko ang saya ng magulang ko, at saka hindi ako binibitawan ni Hyuk. Si loko, ang lakas na bigla ng loob lumantad ng harot sa harapan pa ng magulang ko. Paniguradong pinamihasa ito ni mom and dad, kasi apat na taon ba naman akong wala at siya ang parang naging anak nila.

"Tori, mabuti na lang talaga at nakilala mo itong si Hyuk. Napakabait na bata. Alam mo bang palagi niya kaming binibilhan ng pagkain at saka madalas niya rin kaming iginagala sa labas. Nakilala na rin pala namin ang magulang niya kaya naman napag-usapan na rin namin kung ano ang gusto naming mangyari sa future niyong dalawa." Masiglang pagkukwento ni mommy

"Hala, anong future 'yan, mom? Grabe kayo, planado na buhay ko." Reklamo ko

"Wala ka nang kawala sa akin, Tori. May invisible na tali nang nag-uugnay sa ating dalawa. Kulang na lang talaga ay ipakilala kita sa magulang ko." Nakangising ani Hyuk, kaya naman kinurot ko siya sa braso at tumawa lang ang magulang ko.

Paglubog ng araw ay sinabihan kami ni mom and dad na lumabas na raw muna kami ni Hyuk to catch up with each other, kaya ngayon ay naglalakad kami sa may gilid ng tulay. "Hyuk, thank you dahil inalagaan mo si mom and dad habang wala ako." Panimula ko

"Wala 'yon. Isa na rin 'yon sa way ko para patunayan ang sarili ko sa kanila." Seryosong sagot niya

"Sorry kung natagalan ako, ha? Medyo nagkaproblema na naman kasi, e. Lapitin yata talaga ko ng problema."

"Ayos lang. Sabi ko naman sa'yo, handa akong maghintay kahit gaano pa katagal 'yan."

"Swerte ko sa'yo, grabe." Masayang sabi ko

"Mas swerte ako sa'yo. Tingnan mo naman, ang laki ng pinagbago ng girlfriend ko oh."

"I improved myself for both of us, Hyuk. I want to make you and my parents proud of me." Muli kong pagseseryoso

"Proud naman ako sa'yo palagi kahit ano pang achievement ang makuha mo sa buhay. Lagi mong tatandaan na nakasuporta lang ako sa'yo."

"Hyuk, I love you. Let's make it official?" Nakangiting sabi ko

"So, akin ka na? Totoo na 'to?"

"Mukha bang joke lang?"

"Hindi lang ako makapaniwala na sa'yo galing mga salita na 'yon."

"Pwes, maniwala ka, kasi hindi 'to prank. Bahala ka, babawiin ko 'yon!"

"'Wag! Ito naman, hindi mabiro!"

Para kaming tanga na nagkakaladyaan at naghahabulan na dalawa sa gilid ng tulay, habang nagtatawanan. Napahinto naman ako nang bigla na lang humihiyaw itong si Hyuk.

"I love you, Viktoria!!"

Jusko, ang lalaking ito. Eskandaloso, pero mahal ko. I'm looking forward to spending more summers with you, Kwon Hyuk. I truly liked the story about our summer.

 I truly liked the story about our summer

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
our summer -★ hyuk kwon [completed]Where stories live. Discover now