06

4 3 0
                                    

Hangin

Tinangay patungo sa iyo,
Palayo sa lumang mundo
Mundong sakit ay puno,
Nalulunod kada segundo.

Ako'y sinagip mo,
Muling binuhay ang loob ko
Hindi pa huli ang lahat ng ito,
Maari pa nga yatang mag bago.

Isang tango,
Isang ngiti mo,
Mga maliliit na bagay na siyang galak ko.
Isang karangalang natanggap ko
Makita ang mga ito sa iyo,
Nagbibigay ng ligaya sa puso ko.

Napapaisip nga kung aamin na nga ba ’ko
O hahayaan na lamang ito,
Takot at kabado,
Ganito nga talaga siguro

Magkagusto,
Sa taong hindi naman ako ang gusto.

— nev

La Douleur Exquise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon