09

5 3 0
                                    

Gusto Kita
[fv]


Hindi lahat ng tao magugustuhan ka pero ako, gusto kita.

Hindi mo kailangang maging iba dahil para sa akin espesyal ka.
Sa paraan ng pakikitungo mo sa iba.
Sa pag ngiti at pag sabi ng “ingat” sa tuwing uuwi na,
Kay hirap maamin,
Natatakot ako na baka hindi tayo parehas ng nadarama.

Pero ayos lang kung hindi,
Hindi lahat ng kwento ay dapat matatapos sa isang halik.
O sa isang happily ever after,
Makita ko lang na maayos ka ay sapat na sapat na,
Makita kang masaya.
Kahit hindi ako ang nakatakda,
Para mahalin mo sinta.

Corny pakinggan noon pero iba na ngayon,
Mas gusto kong nakikita ang mga ngiti mo.
Mga halakhak sa tuwing nakabitaw ka ng isang joke,
Ang paglahad mo ng iyong opinyon sa klase,
Hindi na bale,
Basta masaya ka, masaya na rin ako.

Hayaan mo sila kung tingin nila ay iba.
Gusto kita, matagal na.

Hindi,
gustong gusto kita.

Hinding hindi magbabago,
kahit na iba pa ang laman ng iyong puso.

Nawa'y hayaan mo akong ilahad ang mga ito,
Tunay at puro.
Kay hirap mong kalimutan,
Palagi kang nasa isipan
Kaunti nalang ay iisipin ko ng ginayuma mo ako,
Pero sa tuwing babanggitin mo ang pangalan ko,
Naalala kong kamag-aral mo nga lang pala ako.

Naghihintay, minamahal ka ng patago.
Pinagmamasdan ang iyong napakagandang pagkatao.

Kalmado ako kapag nariyan ka,
Ngunit minsan grabe ang kaba.
Hindi alam kung paano ihinto,
Deserve mo ang lahat ng magagandang bagay sa mundo,

gaya ko.


— nev

La Douleur Exquise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon