CHAPTER 10

131 69 29
                                    

Yoshio's Point of View

Pinarada ko ang aking motor sa parking lot area ng school. Kinuha ko na rin ang ibang gamit ko sa storage compartment ng motor ko o yung tinatawag nilang top box.

"Hi, Sir." Olivia's face turns red. Binati ko lang din siya at umalis na ako. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi ko na ito pinansin dahil nag mamadali ako. Thirty minutes na lang ay papasok na ako sa klase nila and I need to prepare myself.

Pilit kong binubura ang nangyari kagabi ngunit tuwing naalala ko gusto ko na lang tumalon sa tulay. Hindi ko alam pero para akong natatanga at nabobo pagdating sa kanya pero siya'y naman ay parang wala lang pakialam.

Minsan iniisip ko kung, magsisisi ba siya kapag nawala ako.

"Sir!" Tawag muli ng isang estudyante. Paglingon ko si Olivia lang pala. Tumatakbo siya papalapit sa akin.

"May kailangan ka ba?" tanong ko.

"A-ah e? Kasi sir, naisip ko lang naman kung kailangan niyo ng tulong. Marami kasi yang bitbit niyo." Nauutal niyang tanong.

"Salamat pero kaya ko naman." Pilit akong ngumiti at saka iniwan siya sa hallway.

"Sabi ko sayo girl, hindi ka papansinin niyan. Si Nalu ata ang gusto niyan. Halata naman." Narinig kong sabi ng isa pa nilang kasama. Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko.

Nakarating ako sa faculty room at wala na ang mga kapwa guro ko. Mukhang nasa kani-kanilang classroom na sila. Ibinaba ko ang mga gamit at kinuha ko ang mga dapat kong dalhin sa klase nila Nalu.

"Sir? Mukhang kailangan ata natin mag usap?" Nakangisi itong nakatingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Si Cyro Amir isa lang naman siya sa mga guro na hindi ko alam kung ano bang problema niya sa akin. Tuwing magkru-krus ang landas namin ay palagi na lang kumukulo ang dugo nito sa akin.

Ever since I started my career as a teacher, I have always been well-received by my students and appreciated by my fellow co-teachers. However, there was one thing that my co-teachers seemed to envy me for: my ability to teach effectively in class. It was not something that I had intentionally set out to achieve, but rather a result of my dedication and passion for teaching.

One of the reasons why my co-teachers envied me was my ability to engage and connect with my students. I have always made it a point to create a positive and welcoming environment in my classroom, where my students feel comfortable to participate and express themselves.

Akma ko na siyang lalagpasan ng hawakan niya ang braso ko. "Sir, be a professional naman. Kinakausap kita diba?" Cyro's bright red face was telling everything. Pero hindi ko na talaga siya ma-gets bakit ganyan ang pakikitungo niya.

"Ano bang problema mo? Mahuhuli na ako sa klase ko. Speak up, huwag mo akong galitin baka saan pa mapunta ito." Kinakalma ko ang sarili ko dahil baka hindi ko siya matantya.

"Bakit mo dinala roon ang estudyante mo?" Pang uusisa niya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." sagot ko.

"Huwag ka na mag maang maangan pa. Nakita kita Yoshio kasama mo iyang estudyante mo. Nakakadiri ka. Pamilyado ka na humaharot-harot ka pa? Ano ka nasa twenties?"

"Tarantado ka pala e!" Hinawakan ko ang kwelyo niya at mas lalong idinikit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Wala akong ginagawang masama. Kung naiinggit ka sa akin pumikit ka na lang. Huwag kang umastang parang alam mo lahat. Huwag mo akong pakialamanan." Halos tumatalsik na ang laway ko sa kanya.

Bumitaw ako sa kwelyo niya at inayos ang sarili.

"Iyon ang akala mo, Yoshio. I will know everything. Marami akong mata palagi mong tatandaan iyan." Babala nitong sabi sa akin.

Hello, Sir Yoshio. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon