Allen Suarez
09:27 PM
Peter:
Kuya Allen
Allen:
Wala, tulog na
Peter:
May ginagawa ka po ba
Allen:
Depende
Peter:
May pagbibigyan kasi akong chocolate
Allen:
Wala akong ginagawaa
Sino yan?
Peter:
Si Jewel
Ang problema, wala akong sasakyan
Allen:
Ahhh
Akin na ddrive ako
Peter:
Daan muna tayo 711?
Allen:
Doon ka pa bibili ng chocolate????
Peter:
Oo
Allen:
Di ka manlang ready?
Peter:
Kinakabahan kasi ako tsaka di ko alam kung
kumakain ba yon ng ganon lang na chocolate
Eh oo daw kaya ayon
Allen:
Tara na punta ako sa may highway pero habang wala ako, chika mo muna sakin sino ba yon
Baka di ka naman seryoso tas mageeffort ako
Peter:
Seryosooo
Crush ko last year pa kaya lang malayo kami eh. Jewel Sevilla yan oh. Lolo nyan si Mayor tapos ano ba hahaha halata namang hindi ko pa afford yon.
Allen:
Pwede naman mag date na dyan lang
Hindi naman yan nadadaan sa yaman
Peter:
Di naman ata nya deserve
yung "dyan lang"
Konti pa. Sabi ko nga kay Papa hingi ako dagdag
allowance kapag tumutulong ako sa isdaan.
Allen:
Pwede naman
Sideline ka dyan
Peter:
Nahihiya rin ako
Shempre binibigay naman na nila mga kailangan ko lalo sa school tsaka hindi naman ako scholar
Binabayaran nila tuition
Nagpapasalamat nalang ako na hindi ako nag-aalala sa tuition pero ayon lang hatak na hatak yung allowance ko
Sobrang sakto lang talaga
Kung makakatipid ako mga 100 something per week tapos yung ibang murang project ako na gumagastos
Edi wala rin
Allen:
Gusto mo ba partime?
Peter:
Mahirap din kuya sa sched ko
Maghapon ako sa school
Allen:
Tuwing sabado at linggo ng umaga nagrerestock, pumupunta sila sa bayan
Tulong ka don tapos mag-aayos ng mga pinamili sa resto. May mga buhatin pero kaya naman.
Mga 4-9 ng umaga. Hindi naman yon nagmamadali, pahinga ka once in a while
Ako nagawa non kaya lang di ko na maasikaso
Peter:
Di nga?
Allen:
Oo nga
250 per day free food na luto ko 😋
Peter:
Sige ako na
Totoo ha? Papaalam ako kay Ate
Allen:
Oo ngaaa
4 sakto ha, pulas ka
Peter:
Kaya ko yan kapag nga harvest 3 palang nag-aayos na
Allen:
Kaya sayo ako eh
Daan tayo sa market bibili mga
tira tirang bulaklak
Sagot ko na, first time mo eh
Peter:
Thank you po!
Allen:
Sus kaw pa ba
YOU ARE READING
Estranghero (Epistolary) ✔
RomanceAn Epistolary Starter: May 2024 Finished: June 2024
