Chapter 5

737 41 16
                                    

Riley's Point of View

"Saan kana naman ba galing?" bungad sa akin ni mommy ng makapasok ako sa loob ng bahay.

It's 10:31 in the evening.

Nako lagot na.

"M-mommy kasi nag-aya po sina Eizsha m-mag-b-bar kasi wala naman daw pong pasok bukas" kinakabahan kong sagot.

Patay ako kay mommy, ayaw pa naman nyang umiinom ako kasi ang bata ko pa daw.

"p-pero di naman po ako nagpakalasing 'my, promise" nagtaas pa ako ng kanang kamay para mas makumbinsi ito.

Mukha namang naniwala sya dahil nawala na ang kunot sa noo nito kaya't para akong nabunutan ng tinik.

"Go to your room at matulog na. Maaga tayong aalis bukas, may lakad tayo" mahinahong sabi ni mommy.

"Saan po tayo pupunta?"

"You'll know tomorrow. Sige na magpahinga kana"

Tumango tango na lamang ako at sumunod sa utos ni mommy. 'San kaya kami papunta bukas?

Nang makapasok sa kwarto ay agad akong dumeretso sa banyo at naghalf bath.

Matutulog na sana ako pagkatapos pero biglang may nagnotif sa cellphone ko kaya't binuksan ko na muna ito.

_ChannariVee.Ohales started following you.

Si ma'am Vee? luh. She followed me on Instagram.

Sunod sunod din itong naglike sa mga posts ko.

Gago?!?!?!?!

-----

"mommy? san po ba talaga tayo pupunta?" kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse at papunta sa di ko malaman kung saan.

Si mommy naman kasi, kanina pa'kong nagtatanong pero parang hangin lang ako sa kanya.

"Today is my friend's birthday, we need to be there. I didn't tell you kasi alam kong di ka sasama"

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Mom, bakit kasama pa'ko? Do I need to be there? tsaka wala naman po akong kakilala don. Mabo-bored lang ako don 'my" pag-mamaktol ko.

"That's the point Ry, wala ka nang ibang taong kilala. You're always in your room kapag weekend. Mabubulok kana sa kwarto mo" OA din pala 'tong nanay ko e.

Mabubulok agad?

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa venue ng birthday party ng sinasabi ni mama na kaibigan daw nya. Pagpasok pa lamang namin alam ko nang mabo-bored lang ako dito

For sure puro about businesses lang naman ang maririnig kong kwentuhan dito. Eh ano bang alam ko don?

Nag serve na ng mga pagkain ang mga hired waiters and waitresses kaya't nagsimula na kaming kumain, buti na lang may food. Puro kasi about sa negosyo ang naririnig ko dito sa table namin, tapos si mommy parang hangin lang ako sa kanya. Nakalimutan na ba nyang may anak sya dito? hays.

The Four Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now