Chapter 2

1.1K 51 5
                                    

“Riley!” ano ba yan?!? umagang umaga may demonyong nanggugulo! kainis.

Dali dali akong naglakad sa corridor dahil ayokong maabutan ng kumag na to pero pagminamalas ka nga naman. Pucha!

“Riley teka lang” agad kong binawi ang braso ko rito. Nandidiri ako everytime na mararamdaman ko sya sa balat ko.

“ano?!” irita kong sabi.

“gusto ko lang 'to ibigay sayo, mamahalin yan”

I rolled my eyes.

“tss. Mr. Fiero after ng ginawa mo kahapon tingin mo talaga tatanggapin ko yan? at tsaka pwede ba tigilan mo'ko wala akong panahon sayo, kaya kong bilhin yang flowers at chocolates na binibigay mo. manyak!” agad akong naglakad papalayo dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ito.

“ohoy! mainit yata ulo natin ngayon ah” agad na salubong sa akin ni Akhiro. Isa pa to!

“hulaan ko, si Jay ba?” sabat ni Kim.

“Jay? Fiero? you mean yung mayabang nating block mate?” si Earl.

“e sino pa nga ba? sya lang naman yung walang hiyang nambastos dito sa frieny natin, ang gagong yon! sa dami dami ng babaeng mamanyakin si Riley pa talaga napili” inis na ani naman ni Eizsha.

I just took a deep breath at nanahimik. Ayoko munang magsalita, I'm tired already kahit lunch pa lang naman.

Natapos ang lunch na hindi rin ako nakapagpahinga dahil sa bunganga ng mga kasama ko. Hays. Kelan ba sila tatahimik? kahit ilang segundo lang!

Mag-isa ako ngayong naglalakad sa corridor papunta sa library. Pinauna ko na yung apat sa classroom kasi may kailangan pa akong tingnan na libro.

Tahimik akong pumasok ng library at dumeretso sa librong kailangan ko pero napatigil ako ng akma ko na itong kukunin.

“ikaw na naman?”

wow, great! dami daming makakasabay sa pagkuha ng librong sya pa talaga? lalo nang nasira araw ko ne'to.

“excuse me Ms. pero ako ang nauna sa libro na ito, kaya sorry..” kinuha ko ang libro at tinago sa may likuran ko. “ako ang gagamit nito” plastik ko itong nginitian at tsaka umalis.

I won, b*tch!

Good mood akong pumasok ng classroom namin at masayang umupo sa tabi nina nung apat.

“anong sumanib sayo? kanina lang badtrip ka ah, biglang ang lapad ng ngiti ngayon?” bungad ni Eizsha na nasa kaliwa ko.

“hmmm, nothing” matamis akong ngumiti at tahimik na naghintay sa prof namin.

“tss! weirdo” ani Earl na nasa kanan ko naman, katabi nya si Akhiro. Katabi naman ni Eizsha si Kim, so meaning ako ang nasa gitna.

--

I was sketching something on my notebook ng dumating ang prof namin. They all stand up and greet her habang ako ay nakaupo parin at patuloy sa pagsketch. Nakakatamad kaya.

“Good morning students, everybody sit down”

Wait. Her voice. It's familiar. Parang narinig ko na sya somewhere.

Binaling ko ang tingin sa unahan at—

“what the fvck?!” nagsitinginan silang lahat sa akin, including our professor.

Shocks! napalakas yata. Tangina naman sa isip ko lang dapat yun e! ay bwisit ka Riley!

“Yes Ms.?—” maging sya ay napatigil din.

The Four Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now