Chapter 1

2K 60 2
                                    

- Riley -

“bye honey, take care 'kay?” my mom uttered and kissed me on my cheeks. Hinatid nya ko sa school since madadaanan nya naman daw ito papuntang work.

Wow ha! Grade 2 lang?

It's first day of school. Yeah. College na ako. First year college. Hays. Ang bilis ng panahon.

Papasok na sana ako ng gate when I bumped into someone at medyo napatalsik pa'ko kasi napalakas yata yung bangga. Pucha naman oh.

“ah- sorry-”

“my gosh! are you blind?” halata sa boses nito ang pagkairita.

Wow ha. What in hell? sya pa talaga yung may ganang magalit?

Sana di na lang ako nagsorry, grabeng babae to.

Hindi ako nagsalita kaya't umirap na lang ito at umalis. Tss. Walang manners and right conduct. Tse!

Umagang umaga sira na agad ng dahil sa ugali ng babaeng yon ha. Pasalamat sya may galang ako kahit sa kapwa students ko lang.

Pero in fairness maganda- aish!! nandito tayo para mag-aral, di para mambabae Riley magtigil ka!

Iginala ko ang mata ko sa buong campus. It's bigger than Eastwood University kung saan ay nandoon sana ako ngayon. I can't deny na malaki at sobrang ganda talaga ng university na 'to plus ang linis pa. Talagang alagang alaga.

Nashville Clayton University (NCU). Actually, ayoko naman talaga mag-aral dito. Well to cut the long story short my mom wanted me to study here kasi nga daw this University is her dream university. E kaso nga lang hindi pa ganon karangya ang buhay nya noon kaya gusto nyang ako ang tumupad ng pangarap nyang yon.

Wala namang kaso sakin 'to, I love my mom kaya I will do anything to make her happy.





I was currently finding my room now. Nasaan ba? Pucha naman e. Naliligaw na yata ako.

“hi.. freshmen ka?” a girl suddenly appeared in front of me. Oh my f*cking kabadingan ang ganda nya tas ang hinhin pa magsalita. I think 3rd year na sya? hula lang

“ah yes”

“can't find your room?”

“y-yes..” shet! nakakahiya.

She chuckled a little. Shet pati pagtawa bat ganon? parang anghel e! help me lord yung kabaklaan ko!

“don't be shy, it's normal. May I see your schedule?” she asked. Nandito kasi nakalagay kung anong room yung pupuntahan ko.

“oh! your course is Business Administration pala? silly you, freshmen ka pa nga. Bakit dito ka pumunta sa Engineering Building?”

What?!? oh gosh! lupa lamunin mo'ko.

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko ng dahil sa kahihiyan. Lord naman! bat di mo sinabi na maling building pala yung napuntahan ko??!? nakakahiya para akong batang naliligaw dito!

“its okay. Tara tamang tama doon rin ang punta ko and I saw on your schedule, my subject is your first period class today. Let's go?”

“teacher ka po?” gulat kong tanong.

Mukha syang estudyante lang. Actually mas fresh pa nga sya sakin e. Shet bat ganon?!

“yes??.. why?”

“sorry akala ko po kasi your just 3rd year college hehe ang bata nyo po kasing tingnan”

“alam mo, yan din lagi ang sinasabi sakin, bagong teacher lang kasi ako. I just graduated last year. Family connections kaya heto, nasa ganito na agad kalaking University.” pagkukwento naman nito.

The Four Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now