When you go through deep waters, I will be with you. (Isaiah 43:2)
Naranasan mo na ba 'ng ma-takot sa lagay ng paligid mo? Na tipong 'lagi kang may pangamba sa kung anong pwedeng magawa sa 'yo ng kapuwa mo.
At kung ako ang tatanungin niyo ay tatanungin ko rin kayo.
Bakit nga ba kayo natatakot? Kung tunay na saan man magpunta ay kapiling natin ang Diyos?
Bakit niyo pa kakailanganin ng armas o kalasag laban sa masasamang tao kung ang Diyos naman ang tunay nating proteksyon?
At kung mapatay ka man ng masasamang loob, dapat ka nga bang mangamba kung katawan lang naman ang mapapatay nila sa 'yo at hindi ang iyong kaluluwa?
Kung tina-tanggap mo ang Diyos, tiyak na ili-ligtas ka niya, minsan, sa iba nga lang na paraan.
Sinasabi ko sa inyo, ang tunay na kaligtasan ay nagmumula sa Diyos, at makakamit mo lamang 'yon kung tatangapin mo siya mula sa iyong puso.
Tunay ngang lagi lang natin siyang kapiling, ngunit kadalasan ay tayo lang nga ang nagta-taboy sa kaniya palayo. Nawa, ang lahat at mahanap ang daan pabalik sa kaniya. Sa kaniya na bukod tanging makapagliligtas sa lahat.
God is with you!
_davixionario
![](https://img.wattpad.com/cover/367197074-288-k248462.jpg)