God will give you the desires of your heart when the time is right. He hears your prayers. You just have to be patient and trust him.
(Psalm 37:4)Isa ka ba sa nawawalan na ng pag-asa? Napapagod nang magdasal? Nai-isip mo na ba na wala siyang pakialam sa mga dalangin ng 'yong puso? Sa mga ninais nito?
Ang buhay natin ay napakaraming pagsubok. May mga oras na napapagod tayo ngunit ang pinakamahalaga roon ay hindi tayo napapagod na lumapit at manalangin sa kaniya.
Balang araw, ibibigay rin sa 'tin ng Diyos ang mga bagay na paulit-ulit nating dinadalangin. Ang tanging nais niya lang ay 'wag tayong mapagod na humiling at maniwala.
Ang mga taong sumuko at hindi nag-hintay ng tamang oras, sila ang tunay na talunan.
Sabi nga, "May plano ako, ngunit mas maganda ang sa Diyos" patunay lamang na kapag hindi tayo naghintay sa kaloob niya sa atin ay malamang,
hindi magiging maganda ang resulta ng lahat.Kaya para sa mga taong sukong-suko na sa pag abot ng pangarap at pakikipaglaban sa buhay, ano pa man ay darating rin ang tamang oras at ibibigay ng Diyos ang tunay na inaasam ng ating mga puso. Basta't 'wag sumuko at patuloy lang nahubugin ang sarili na maging matatag. Para sa oras na ipinagkaloob na ng Diyos ang iyong hangad, tunay ngang handa ka nang gamitin ito.
You are accepted!
_davixionario