Jeremiah 31:3

2 1 0
                                    

I've never quite loving you. (Jeremiah 31:3)

Greatful ka ba sa lagay ng buhay mo ngayon? Nararamdaman mo ba ang pag-ibig ng Diyos? Kung hindi, baka kasi may takip ang tainga mo. Subukan mo siyang pakinggan. Subukan mong papasukin sa buhay mo ang kaniyang mga salita, sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi ka magsisisi.

"Puro na lang problema ang dumarating sa buhay ko, bakit hindi ko madama ang presensya ng Diyos?"

Baka naman kasi ikaw ang naka-limot. Ang Diyos, ano man ang oras na gusto natin siyang kausapin, naririyan siya. Nasaan ka man, iniibig ka niya. Ano mang panahon at ano man ang ginagawa natin, wala siyang ibang nais iparating kun 'di ang kaniyang walang hanggang pag-ibig.

Ngayon, sa pamamagitan ng kasalanan, nalalayo tayo sa kaniya, ngunit kasabay no'n ang walang humpay niyang pagtawag.

Hinihintay niya na ang iyong tugon, bumalik ka na sa kaniya.

Ilang ulit ka mang mapagod, babalik ang iyong lakas, ilang beses ka mang magutom, bubusugin ka ng kaniyang mga salita. Ano mang pandudurog sa iyong puso ng iba, bubuoin niya. At magkasakit ka man, pahihilumin ka niya.

Sapagkat ang Diyos, kailan man ay hindi nanahimik sa pagpaparamdam ng kaniyang tunay na pag-ibig.

You are called and chosen

_davixionario

His Grace is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon