Published:

4 2 0
                                    

His Grace is Enough

A collection of bible verses.

Una sa lahat, pagbati mula sa akin!
Masaya ako na malamang binabasa mo ito ngayon. Bagama't hindi pangkaraniwang babasahin ay binuksan mo pa rin.

Ngayon, sigurado akong nagagalak ang Diyos sapagkat mababasa mo ito.
Bago ko pa man isulat ang collection na ginawa ko ngayon ay nanalangin na ako sa kaniya na pahiramin ako ng talino at karunungang nagmu-mula sa kaniya. Upang nang sa ganoon ay maging mainam at makatulong sa iba na naliligaw na ng landas. Wait, alam niyo nga ba ang tunay na landas? Ang daan patungo sa Diyos, 'yon lamang ang nagi-isang daanan na hindi ka kailanman ililigaw.

Anyways, ako ay isang religious na tao. Devoted Catholic and Altar Server. Hindi ko na gagawin pang ipaliwanag kung bakit ako nananatili at mananatiling naka-tindig sa pagiging Isang katoliko dahil lahat naman tayo ay may iba't-ibang paniniwala at paraan ng pag-unawa.

[But if interested kayong mag-tanong, 'wag mahiyang mag message sa 'kin. Malaki ang pagrespeto ko sa ibang sekta kaya umaasa akong ganoon rin kayo. Pwede rin kayong mag self study ng hindi nakikinig sa mga sabi ng nasa paligid niyo upang mas mauunawaan pa kung ano nga ba ang mga nakapaloob sa aming pananampalataya]

Ganoon pa man. Wala akong ibang hangad rito kun 'di ang ipahayag ang salita ng Diyos. Dahil kagaya niyo, hindi ako masyadong masipag mag basa ng bible. So sa ganitong paraan, kahit papaano ay makatulong ako.

Good vibes -_+ lang ang gusto ko at alam kung ganoon rin kayong mga kapuwa ko kristiyano! Hali ka! Samahan mo akong tuklasin ang mga pahayag ng Diyos ayon sa bibliya.

Tandaan na kailanman ay hindi magiging corney ang pagbabasa ng salita ng Diyos. Ito ang isa sa pinaka matatag na sandata para malayo sa kasalanan na siya ring naglalayo sa 'tin sa Diyos.

GOD WELCOMES YOU!

Copyright© by davixionario
Date started: April 15, 2024

His Grace is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon