DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Thank you!Simula
Nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Walang ngiti sa mga labi. Ang aking mukha ay nilagyan ng mga kolorete dahil isang mahalagang okasyon ang gaganapin ngayong gabi. Ang aking damit ay kulay puting gown.
Hindi ko na ba talaga pwedeng atrasan pa 'to? Ngayong gabi na ba talaga magaganap? Wala na akong magagawa kahit ano pa man ang mangyari.
Kahit naman ayoko, gagawin ko pa rin 'to dahil ayokong magalit si Daddy. Ayokong madisappoint sila ni Mommy. Kaya kahit ayaw ko, gagawin ko pa rin.
May mahal man akong iba, hindi pa rin siya ang para sa akin.
"Miss Alice, kailangan niyo na pong lumabas." Sumilip mula sa pinto ang aking yaya.
Nilingon ko siya saka tinanguan.
Lumapit naman siya agad sa akin para tulungan ako sa pagbitbit ng aking gown. Hindi naman sobrang bongga ng suot ko, medyo mahaba lang. Lumabas kami ng hotel room kung saan ako nag-stay simula nang dumating kami rito. Dito gaganapin sa hotel na ito ang aking engagement.
Nasa labas ako ng pintuan ng isang room kung saan gaganapin ang engagement ko, hinihintay ang senyales kung kailan ako papasok.
"Let's all welcome, our beautiful bride-to-be, Miss Aliceleigh Fernandez!"
Isang masigabong palakpakan ang bumungad sa akin pagpasok ko mula sa malaking pintuan. Hindi pa rin nagbabago ang emosyon ng aking mukha. Seryoso pa rin. Naninikip ang dibdib ko sa nangyayari. Hindi dapat ako nandito, kung hindi ko naman mahal ang taong pakakasalan ko. Dapat ngayon kasama ko siya, pero wala na siya. Iniwan niya na ako. Halos maiyak ako nang maalala iyon.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa stage, kung nasaan may isang lalaki ang naghihintay sa akin.
Pinigil ko ang nagbabadyang tumulo na luha. Kaya mo 'to, Aliese. Wala na rin naman ang boyfriend mo kaya ano pa bang magandang gawin sa buhay mo? Gawin mo na lang, pakasalan mo ang lalaki na iyan dahil para naman 'to sa business niyo. Wala akong iisipin na ibang bagay kundi ang lahat ng ito ay para lang sa ikabubuti ng business namin.
Umakyat ako sa stage at tumayo sa tabi ng matangkad na lalaki.
Katulad ko, wala rin siyang kaemo-emosyon sa mukha. Seryoso lang din ang tingin. Kumapit ako sa braso niya dahil iyon ang sinenyas sa akin na gawin ko. Doon lang din siya napalingon. Hindi ako tumingin sa kanya. Tiningnan niya ang kamay ko na nakakapit sa kanyang braso, saka umangat ang tingin sa akin. Saglit lang niya akong tiningnan at itinuon ulit ang atensyon sa harap.
"Our newly engaged couple, Mr. Caleb Addison Sevilleja and Ms. Aliceleigh Fernandez! Please let's give them around of applause!" Maligayang anunsiyo ng M.C.
"Bakit hindi ka tumakbo?" Mahinang bulong niya na narinig ko pa.
"Bakit ako tatakbo? Bakit hindi ikaw?" Walang lingon sa kanya na sabi ko.
Nakita kong kumuyom ang kaniyang kamao at gumalaw ang panga. Kung ano man ang nasa isip niya ngayon, wala akong pakialam.
Nakita kong nagkamayan sila Dad at ang Daddy ng katabi kong lalaki. Ang lawak-lawak ng mga ngiti nila. Para bang sinasabi na deal na ang kanilang business.
We, their child, is their business.
Mapait akong napangiti. Wala na nga ang taong mahal ko, wala na rin ang aking kalayaan. Kalayaan sa lahat ng bagay. Pero teka, nakamtan ko nga ba talaga iyon simula noon?