Kabanata 4

3 0 0
                                    


Divorce

"This is me when I was a baby, Mommy!"

Pilit na hinaharap ni Everly ang mukha ko sa photo album kahit nakatingin naman na 'ko.

Nasa sala kami ngayon, pinapakita nila sa'kin ang photo album nila simula pa noong mga baby sila. Si Everost naman, nakakandong lang sa'kin. Ngayon, nakakangiti at nakakausap na siya sa'kin unlike kanina na halos tango lang lagi ang sagot. Naiintindihan ko naman siya, siyempre. Ngayon ang unang pagkakataon na nakita at nakilala niya ako, hindi nakakapagtataka kung maging distant siya sa akin. Isa pa, I deserve it though. Ako ang umalis nang matagal na panahon.

Buti na nga lang itong si Everly iba. Sobrang energetic! Ganadong-ganado tapos ang daldal na agad! Nasobrahan nga lang. Sana binigyan niya ng energy yung kakambal niya. Inubos, e.

"Okay, okay, baby. Where?" Pinakinggan ko na.

"This po, oh!"

Tinuro naman niya agad yung baby picture niyang nasa walker tapos ang kalat-kalat ng pagkain, ang dungis pa ng mukha! Nasa gilid ng walker niya, nakaupo si Everost kumakain ng lollipop! Sobrang lawak ng pagkakangiti nila sa picture. Siguro nahuli lang sila nito dito ni Caleb.

Natuwa naman ako sa picture. It's so cute!

Kanina naglaro muna kami sa playhouse nila. My first ever bonding with them. Siyempre di kasama si Caleb. Yung dalawang kasambahay ang nakaalalay sa'kin. Naglikot naman si Everost, gustong-gusto niya kapag naglalaro pala. Pero kapag ako ang hahawak ng car niya, ayun mahihiya. Okay lang din, ang cute nga ng baby ko. Si Everly, hindi nawawala ang kasiglahan. Simula kanina, dikit na siya ng dikit sa'kin. Thankful naman ako roon. At least kilala agad ako ng anak ko. Like mother like daughter.

Simula rin kanina hindi na bumaba si Caleb. May trabaho na yata siya, sobrang busy. Kaya nga hinayaan na ko rito sa mga bata. Sabagay, ayaw ko rin na nakabantay siya sa'kin. Baka siya na lang ang lapitan nila, lalo ni Everost. Super close sila sa Daddy nila. Nakakatuwa iyon.

"Mommy, Everly and I were two years old here. We went to Disneyland that time." It was Everost. Sobrang malumanay ng boses ng batang 'to!

Natuwa naman ako sa pagkuwento niya kaya tiningnan ko agad ang picture. Agad nga lang naglaho ang ngiti ko.

"Daddy brought us there!"

Naka-costume sila ng Mickey mouse, pare-pareho silang tatlo. Karga sila pareho ni Caleb sa magkabilang braso. May headband din sila ng Mickey Mouse, fountain naman ang background. Makulay ang background dahil gabi iyon, makulay ang fountain at may fireworks. Ang lawak ng ngiti nilang tatlo. Parang... parang walang ibang iniisip kundi sila lang ng mga panahon na iyan. Walang problema, walang mga tao sa paligid. Silang tatlo lang na masayang gumagala sa Disneyland.

It was a moment to behold for the three of them.

I smiled. Simple kong pinunas ang luha ko. Ang mahalaga masaya naman sila. Iyon naman ang importante.

Nagtitingin-tingin ang kambal sa photo album nila, when my eyes darted to the man going down the stairs. Ngayon lang ulit siya bumaba.

Kung kanina no'ng nakita ko siya ang presko na niya, ngayon sobrang presko na niya. Iba na rin ang damit niya. Naka-black button down shirt at pants with brown leather shoes. He looks like a freaking goddamn billionaire. Partida, mukha lang simple ng damit pero sumisigaw ng karangyaan.  Lalo na iyong nagsuot.

Nang makababa siya ay nagkatinginan naman agad kami. Lumapit siya sa aming tatlo sa sala.

"Daddy!" Everly.

"Daddy." Everost.

Agad sumalubong sa kanya ang mga bata, nagpapakarga. Naku, kung kakargahin niya sila magugusot ang damit niya. Gusto ko sanang pigilan pero mukha namang wala lang kay Caleb kung magusot man. Kinarga niya sa dalawang braso niya ang kambal. I just sighed. Baka sanay na siya.

Those Three Little Words Where stories live. Discover now