Kabanata 2

1 0 0
                                    


Eye to Eye

Siguro kung nakatayo ako, kanina pa ko natumba. Wala pa nga pero nanginginig na ang tuhod ko, ang palad ko naman ang lamig lamig na! Baka naman dahil sa aircon lang ng range rover? How I wish!

Bakit naman ako kakabahan? I didn't do anything wrong! Kaya kesa magpahalata na kabado ako ay umayos ako ng pagkakaupo. Walang rason para kabahan, Alice, kaya umayos ka. Yes, bakit sino ba siya? Ano ngayon kung apat na taon ang lumipas? Wala! Wala, diba!

"Miss Alice, sa mansion po ba o sa bahay niyo ni... "

Nakatingin ako sa labas ng bintana pero nung narinig kong nagsalita ang driver ay agad akong tumingin sa kanya. Kuya, don't dare! Huwag mong itutuloy ang sasabihin mo.

Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan uuwi.

"Sa mansion na lang po, Kuya."

Hindi pa ko handang makita sila. Ayaw ko pa. At least sa mansion, kaya ko naman iwasan sila Mom and Dad kung may itatanong sila. Unlike kung sa bahay... hindi ko kaya. Pakiramdam ko ni ang tingnan siya sa mga mata ay hindi ko magagawa.

Kaya mas okay na mag-stay na muna ako sa mansion. I closed my eyes. Right! This is better.

The car stopped so I opened my eyes. We're here. Wala na iyong kaba ko kanina. Syempre, sa mansion naman ako umuwi kaya bakit ako kakabahan?

"Miss Alice, nandito na po tayo."

Kuya, I know! Nakikita ko! Just give me a minute, pwede? Inaayos ko lang naman sandals ko dahil tinanggal ko kanina para maipatong ko. Kaiyak, ha!

Manong driver opened the door for me. Bago bumaba ay isinuot ko muna ang black shades ko. I also made sure I look sophisticated and expensive before going out of the range rover like Dad always wanted me to be.

Lahat ng katulong, driver, at mga empleyado rito sa mansion, ay nakahilera para i-welcome ako. I didn't tell anyone that I'm going home. Even to my family. So I don't know about this grand welcoming. If I'd known about this, I would've stopped this, though.

Laki man sa karangyaan, dapat man na sanay na ako sa mga ganito, hindi ko pa rin gusto. But it's Dad's.

Agad naman lumapit sa akin si Manong Joey ang butler ni Dad.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Manuel, Miss Alice. Sa dining room po tayo."

Tumango ako, pagkatapos ay iginiya niya na ang daan.

The mansion was renovated. Mas maganda na to ngayon kesa noon. Kung noo, malaki na ang living room, ngayon mas malaki na. Hindi na ko magtataka kung pati dining room ay mas lumaki pa ngayon, atsaka pati na rin ang bawat kwarto. Sana lang hindi ang kwarto ko, sana hindi nila pinakialaman. I hate it when someone touch my property without permission.

Mom, Dad, and Lucius are already sitting in front of the dining table. All the foods are settled. Ako na lang ang hinihintay. Agad naman akong lumapit kay Mommy to hug her. Medyo tumatanda na siya, but still beautiful and the sophistication of her face, never gets old. Nag-bless naman ako kay Daddy. I know things between us are not so-well, nevertheless he's still my father, I have to respect me. My not-so-little-brother, Lucius, ginulo ko lang buhok niya bilang pagbati. Naupo na ko sa katabing upuan ni Mom.

"Lucius, how old are you now? You're taller than me na, ah!" I teased my little brother.

Of course, I didn't get a response. Mataray yang kapatid ko, eh. Bwiset.

Mom and Dad just laughed at it. Mabuti naman at ayos lang sa kanila kahit mataray yang si Lucius. Kaso hindi naman maganda na sobrang suplado!

" I'm glad you're home, Alice." Dad said, with strictness laced on his voice. "Mananatili ka na ba rito?"

I didn't look at him. But I smiled. I started getting food yung katulong na sana ang kukuha ng pagkain, but I insist. I still respond. I don't wanna be rude in front of the foods.

"Yeah, Dad. May aasikasuhin din kasi ako."  Patuloy lang ako sa pagkuha ng pagkain. I could feel Mom's staring at me but I ignored it.

"I hope it's your family."

Susubo na sana ako pero natigil iyon sa tapat ng bibig ko. Everyone fell silent. No one dares to talk. Kahit ako, hindi ko rin alam paano tatapusin ang katahimikan. I know may sasabihin pa si Dad kaya hindi ako nagsalita agad.

"Four years have passed, I hope you've moved on from your dead ex."

Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsarang hawak ko. Parang nawalan na ko ng gana. Sabi na makita ko lang si Dad, e. Marinig pa kaya mga sasabihin niya?

" Manuel." It was Mom.

After all I've done, all the sacrifices I've made, still not enough for him? But I know better than to argue with this man. Magsasayang lang ako ng saliva.

"Yes, Dad." I looked at him straight in the eyes, as an obedient daughter like I always been. "I've moved on, don't worry. Napagod ako sa biyahe. Magpapahinga po muna ako."

I didn't wait for their response, tumayo na ko at akmang aalis na sa dining room but Dad spoke.

" You sure do miss your family. Uuwi ka ba sa inyo ngayon?"

Can't you just shut your fucking mouth, Dad?

As a respectful daughter, I faced him. "Yes, Dad. Uuwi po ako sa'min. Pero hindi ngayon."

Walang lingon-lingon na nagpatuloy na ko sa paglalakad. Magpapadala na lang ako ng pagkain sa kwarto. Gutom na pa naman ako, kaya nga ako na ang nagsandok sa sarili ko. But Dad will always know how to ruin my mood, everything even.

Pagkabukas ng kwarto ay natuwa ako. Nothing changed in here! Gano'n pa rin kalaki at ang ayos, same pa rin gaya ng gusto ko. Minaintain lang nila ang kalinisan dito, which is very good! Walang labis, walang kulang sa gamit ko nang i-check ko. Kaya naman  agad akong sumalampak sa malambot at malaking kama.

I stared at the ceiling. Maybe, I should face him, them. It's been four years since I went abroad. Hindi rin magtatagal alam ko naman kakailanganin ko rin bumalik sa bahay. Halos paalisin na nga ako ni Daddy sa Mansion. Gaya ng pagbigay niya sa'kin sa lalaking iyon.

My blood boils. Naiinis ako. Nagagalit ako. Sa sarili ko. Why did all of these happened?

Nevertheless, it is what it is. What happen has happened. Wala na kong magagawa para maibalik pa iyon sa dati. Kasi kung meron edi sana ibinalik ko na lang si Tobey dito sa mundo. I have to face the reality. I am no longer a girlfriend of a dead boyfriend, I am now wife to a man I never loved and a... mother.

Ano man ang mangyari, kailangan kong harapin iyon.

I parked my car in front of a modern two-story house. Hindi masyadong malaki, katamtaman lang, bagay sa maliit na pamilya. The color of the house is grey and white. Hindi pa muna ako bumaba ng kotse. I want to make sure he's there bago ako kumatok. After all, bahay niya yan. Kaso hindi naman kita ang loob mula sa labas! Pag minamalas nga naman, oh!

Hindi na 'ko nagtagal sa loob ng kotse, I went out. Kailan ko pa inisip ang sasabihin ng lalaking 'to? Never. And I will never ever.

Nag-door bell na ko. Ang tagal magbukas. Wala bang tao? Ang init kaya sa labas! Sandali lang ay bumukas na rin naman ang gate. I think katulong base sa suot niya.

"Hi, magandang tanghali po! Nandyan po si Caleb?" Masigla kong bati. I don't wanna make a bad impression.

The maid seemed to be shocked of my energetic greeting, it took her a while to recover. Naku naman! Nasaan ba kasi ang lalaking iyon, ha? Sumagot ka na lang po, ate.

"Nandiyan po ba siya?" Pag-uulit ko.

"Sino po sila?"

Gusto ko sanang sabihin na asawa niya ko.

"I'm his wi—" kalmado na sana akong magpapakilala but someone spoke behind the maid.

And I knew already who it was.

" Mila, take care of the twins inside. Ako na diyan."

I know kalmado niya iyong sinabi, pero alam ko, I wouldn't like to talk to him.

" Yes, Sir."

Nakasunod kami ng tingin sa maid, when the maid was gone our sight met, we stared at each other. Eye to eye.

Those Three Little Words Where stories live. Discover now