Fear 13 : Weapon of Opportunity

66.3K 2.3K 2.1K
                                    

MACKENZIE'S POV

Matapos kong maitago ang laptop ko ay dali-dali akong napatakbo papunta sa Cafeteria upang hindi na sila magtaka pa. Pagkatapos ng morning period kanina ay dali-dali na kasi akong umalis.

Nakapwesto na silang lahat ng kumakain ng kani-kanilang mga lunch.

"Mackoy kumain ka na nga dito!" Sigaw nila Eroll kayat tumango nalang ako. Loko talaga tong mga kaibigan ko kung makasigaw parang kami lang ang nandito.

Nanginginig pa ang kamay ko nang kumuha ako ng tray at pumila upang kumuha ng pagkain. 

Pumipili ako ng pagkain nang bigla nalang may naglagay ng cheesecake sa tray ko. Nagtaka ako nang makita kong si Travis pala at kagaya ko ay pumipili din siya ng pagkain.



"Hoy bakit mo nilagay?" tanong ko

"Wag ka ng magtanong" Sagot nito gamit ang malamig at walang emosyon niyang boses at gaya ng inaasahan inirapan na naman ako.

"Pag-ako napuno sayo dudukutin ko na talaga yang mata mo" mahinang bulong ko nang dahil sa inis.

Bigla ko siyang narinig na tumawa. Anong nakakatawa?


"Baliw ka dre?" tanong ko sa kanya

Tiningnan niya lang ako at biglang inisnaban. "Whatever faith" mahinang bulong niya na para bang iniinis ako.

"Faith pa talaga? If I know crush mo lang talaga ako Travis" mahinang bulong ko sabay flip ng buhok ko.

Bigla ulit siyang tumawa. Baliw na nga talaga -_-

"EXCUSE" nagulat nalang ako nang bigla nalang sumingit sa gitna namin si Peter sabay bangga pa sa siko niya. Bwisit ang bastos naman, di man lang nag-sorry.


hindi ko nalang sila pinansin at umorder nalang ulit ako. Napansin kong lumipat si Travis ng kinatatayuan at muling pumwesto sa kabilang side ko. Hindi ko nalang pinansin dahil baka kukuha  lang yan ng cheesecake.

"Mack" bigla na namang nilagyan ni Travis ng pagkain ang tray ko.

"Uy wag na" Agad akong napailing-iling. 

"Lampayatot kailangan mo yan" Travis

"Ako lampa? Gusto mo suntukan?!" ako

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon