Fear 21 : Dont Be Afraid of the Dark

70.2K 2.4K 1.6K
                                    

BABALA : MARAMING MURA ANG STORY NATO. KUNG AYAW NIYO PONG MAKABASA AY PAKIUSAP WAG NALANG ITONG BASAHIN :)) THANK YOU ♥

 - - -- - - - - -- - -- - - -- 

THIRD PERSON'S POV

Patuloy parin ang walang humpay nilang pagkalampag sa pintuan sa kagustuhang lumabas ng Audio-Visual Room. Napakalakas ng buhos ng ulang sinasamahan pa ng kulog at kidlat kayat walang ibang nakakarinig sa kanila.

Ilang sandali pa ay mistulang napagod sila sa ginagawang pagkalampag. Humarap si Finn sa kanilang lahat. "Teka hindi pwedeng mawala ang cellphones natin ng ganun-ganun nalang! Ano yun Magic?!" sarkastikong sigaw ni Finn.

"So sinasabi mong isa sa atin ang kumuha ng mga cellphone?" Tanong ni Caleb at biglang napasinghal.

"Tangina sino ang kumuha ng mga cellphone?!" galit na sigaw ni Zeke.

"Dude pwede ba mamaya na natin problemahin yang cellphone! Ang importante makalabas tayo dito!" sigaw naman ni Jill

"Puta! Eh paano nga tayo makakalabas kung walang cellphone!" sigaw ni Zeke kay Jill habang nanlilisik ang mga mata.

Agad pumagitna sina Eroll at Finn at upang ilayo si Jill mula kay Zeke. "Pwede ba Zeke!" sigaw ni Finn upang ipagtanggol si Jill.

Nasa kalagitnaan silang lahat ng pagtatalo nang bigla na lamang namatay ang kuryente kayat muling napuno ng sigawan at tilian ang ang buong kwarto. Napakadilim ng paligid at tanging sigawan lamang ang naririnig mula sa kanila.

"PUTANG INA! ANG AARTE NIYO! BLACKOUT LANG YAN!" Sigaw ulit ni Zeke

"Sinong may flashlight o kahit anong pampailaw diyan?" Finn

Saglit silang kumapa-kapa sa dilim nang bigla na lamang silang makarinig ng malakas na kalabog at kasunod pagsigaw.

"MACKENZIE?!" biglang sigaw nila Chippy na agad namang narinig nila Topher.

"Chip Nasaan kayo? Anong nangyayari kay Mack?" Alalang sigaw ni Topher habang naghahanap ng maaaring gawin nilang ilaw.

"Guys si Mackenzie!" Sigaw naman ulit nila Peyton na takot na takot.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon