Friendship

56.6K 2.2K 554
                                    

Author's Note : Extra short chapter lang to. Flashback sa nakaraan.

- - - - - - - - - - - - - -

THIRD PERSON'S POV

Nakayuko lamang si Faith habang tinitingnan ang kanyang malalalim na sugat na dulot ng pagpapahirap sa kanya ng payaso sa loob ng nakaraang mga araw.

"F..faith masakit ba?" tanong ng batang si Collins na takang-taka ngunit tiningnan lang siya ng maluha-luhang mata ni Faith. 

"Collins alam mo na ang sagot kayat wag ka ng magtanong" Pangaral ni Paxton at agad na niyakap ang kapatid na namimilipit parin sa sakit. 

Napabuntong hininga na lamang si Collins at agad na tiningnan ang iba pang mga bata.

Nakita niyang nasa isang tabi lamang si Keith at nakapako ang tingin sa magkapatid na sina Paxton at Faith. Namumugto at namumula ang mga mata nito, tanda na parati itong umiiyak at walang ibang emosyon ang nasa kanyang mukha.

Dahan-dahan gumapang si Chippy papunta sa kinaroroonan ni Keith at tumabi rito.

"A...ate" mahinang bulong ni Collins upang tawagin ang atensyon nito.

Patuloy paring nakatingin si Keith sa magkayap na magkapatid at kasabay nito ay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"H...hinahanap kaya ako ni kuya pula?" mahinang bulong ni Keith habang humahagulgol.

Awang-awa si Collins nang makita ang umiiyak na si Keith kayat dali-dali siyang yumakap sa braso nito. "Ate keith..ate keith ako nalang muna ang kapatid mo ngayon" mahinang bulong nito habang naluluha nadin.

Isinandal nalang ni Keith ang ulo sa balikat ng bata.

"whats your name?" tanong ni Keith

"Collins" sagot nito.

"Your name is weird" mahinang bulong ni Keith na wala paring emosyon ang mukha.

"Your name is ugly" insulto naman pabalik ni collins.

"Whats your favorite food?" Keith

"Junkfood! I love piattos! nova! wichee! Yumyum and chippy!" tugon nito habang binibilang ang ang kanyang daliri.

"I'll call you chippy..." Keith

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon