R-18 (Read at your own risk)
"Elle! Congrats!"
Nayakapan kami ni Dani at Sam pagkakita ko sakanila dito sa PICC.
"Congrats, saatin!" Naiiyak na sabi ko habang magkayakap pa rin kaming tatlo.
Today is the day! Oath taking na namin! Finally, nakamit ko na yung RN sa huli ng name ko.
"Grabe, parang dati lang sinasabi pa natin na magshishift na tayo pero tinapos pa rin natin," sabi ko.
"Parang tanga eh noh hahaha," natatawang sabi ni Sam. "Pero sa totoo lang magshishift na sana ako kung hindi ko lang kayo nakilala. Thank you, my girls!"
"Same, hindi ko siguro masusurvive ito kung hindi dahil sainyo," sabi ko.
Para kaming mga ewan dito na nag-iiyakan pero wala eh, masyadong emotional kami ngayon haha. Nursing was hard but they made it somehow fun and bearable. Hindi ko siguro alam kung saan ako pupulutin kung hindi ko sila naging kaibigan, baka nabaliw na ako ng tuluyan pero dahil nga naging kaibigan ko sila, sabay sabay na kaming naging baliw ngayon haha at least may karamay.
"Parang mga baliw ito, hindi pa nga nagstastart. Sure ba kayong tatawagin kayo sa stage mamaya?" Biro ni dani habang dahan dahang pinunasan yung luha sa ilalim ng mata niya.
"Ipipilit natin!" Natatawang saad ni Sam at natawa kaming dalawa ni Dani.
"Ayusin niyo na nga yung sarili niyo, hindi pa tayo nagmamarcha," sabi ni Dani at inayos ng konti yung buhok namin ni Sam. Halata naman sa mga mata namin na nag-iyakan talaga kami.
"Hala, kasama mo pala si Kenzo, girl! Nakakahiya, hindi naman sinabi," sabi ni Sam nung nakita niya si Kenzo sa gilid.
Tumawa si Kenzo at lumapit na saamin. "Congrats sainyo. Picturan ko kayo."
"Teka lang po. Nagulo ata makeup ko, Elle kasi." Sam pouted at tiningnan yung sarili niya sa screen ng phone niya.
"Bakit ako?" Natatawang tanong ko at nung ready na kami ay pumwesto na kaming tatlo para magpicture.
Nakaisang shot palang ata at may biglang tumakbo na palapit saamin.
"Uyy! Sali naman kami dyan!" Sigaw ni Theo habang kumakaripas sila ng takbo ni Marcus papunta saamin.
Pumwesto na kaming lima para magpicture. Lumapit na rin yung mga pamilya namin at nagkanya kanyang picture na muna pagkatapos naming magkakaibigan. Hanggang sa tinawag na kami dahil magstastart na yung ceremony.
Grabe talaga, it feels surreal to be here. Parang dati lang, umiiyak ako dahil gusto ko nang sumuko pero ngayon umiiyak ako dahil sa sobrang saya.
I made it, we all made it.
Pagkatapos ng ceremony ay nagpicture picture ulit tapos nagkanya-kanyang gala na kami with family. Since two guests lang per attendees, sila mommy at daddy lang ang nakapasok habang si Kenzo ay naghihintay sa labas ng venue dahil siya yung magdadrive saamin papunta sa restaurang kung nasaan naghihintay na yung buong family.
BINABASA MO ANG
Chained To You (Fate Series #4)
Підліткова літератураEleanor Faith Chua is a hardworking nursing student of Our Lady of Fatima University and an obedient daughter. She dreamed of being a nurse and planned on helping her parents to pay her family's debt after she passed the nursing board exam but, unfo...