Chapter 7

63 1 0
                                    

AVIALAH

MARIIN akong napapikit at napailing, mabilis ako nagmulat at mabilis na inalis ang tingin sa bintana. Napansin ko na nakatingin sa akin ang dalawa at mukhang nag-aabang ng sagot.

"Nakidnap ang kapatid ni Jaren at kasalanan ko." mahinang sabi ko.

Mukhang hindi inaasahan nang dalawa ang aking sagot, bumuka ang bibig bi Kyolo na parang may sasabihin ngunit hindi natuloy. Rinig ko naman ang malutong na mura ni Jax.

"Tangina."

"It's all my fault. That's why I can't blame Jaren if he's still angry." aniya ko at malalim na bumuntong hininga.

"H-hindi namin alam..." si Kyolo at mukhang shock na shock pa rin." Hindi nasabi ni Jaren." sabi nito.

Napatango ako." Ayaw ni Jaren pag-usapan ang nangyari noon. Kanina nga sinubukan kong buksan ang topic, ending nagalit lang siya."

"Wala ka namang kasalan, Avi." si Jax na nag-aalala.

Umiling ako." No, may kasalanan ako. Kung hindi ko siya dinala roon at nag-stay Lang ako sa tabi niya, edi sana kasama namin s'ya at okay pa kami ni Jaren." sagot ko at sumulyap kay Jaren na nakikipagkwentuhan.

"Ano na palang nangyari kay Nicole?"

"Hindi na siya nabawi at hindi namin alam kung buhay siya." humingpit ang hawak ko sa aking ballpen." Pero hinihiling ko na sana buhay siya at may maganda siyang buhay ngayon." halos pabulong na sabi ko.

Matapos first and second period ay wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan lang nila Kyolo.Dumating ang lunch at balak kong hindi kumain, nagpaalam ako sa kanila at lumabas ng classroom. Nagtungo ako sa senior building at nagtungo sa likod nito, sakto naman na walang tao kaya naman naupo lang ako sa sirang upuan at nagpahinga.

Hindi nagtagal ay may narinig ako kaluskos, hindi ko sana papansin ngunit lalong naging maingay. Napatingin ako sa aking gilid, kahit malayo ako ng kaunti kita ko ang pagbagsak ng isang lalaki. Napatayo at tiningnan muna ang nangyari. Isang lalaki na mukhang binugbog at gusot-gusot ang uniporme, muli itong natumba nang may sumipa sa tiyan nito.

"Tarantado ka! Gusto mo girlfriend ko?" maangas na tanong ng sumipa." Feeling ka rin 'no? Naging mabait lang sa'yo tapos nagfefeeling kana!" muli nitong sinipa ang lalaki at nagtawanan ang mga kasama nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na, napalingon sila sa akin at halatang nagulat sa pagsulpot ko.

"Oh, sino ka naman?" tanong ng lalaking sumipa at naka-akbay sa girlfriend nito.

"Ako?" turo ko sa sarili ko." Ako lang naman ang maghahatid sa'yo sa empyerno." sabi ko at mabilis ang naging kilos ko para makalapit dito.

"AHHH-AHHH PUTANGINA!" napaluhod ito matapos kong sipain ang gitna nito.

Agad na sumugod ang mga kasama nito at  sinubukan na patamaan ako ng suntok, nakailag naman ako ngunit hindi maiiwasan na matamaan ako.

"Shit." bulong ko matapos matumba dahil sa suntok sa tiyan na gawa ng lalaking nasa harap ko.

"Par, mukhang highschool lang 'to ah." sabi ng lalaking sumuntok sa tiyan ko.

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now