Chapter 17

36 1 0
                                    

AVILAH

PAGPASOK ko pa lang sa room, bumungad na sa akin ang maingay na Section 10. Akala mong walang iniindang sakit ng mga katawan. Napatingin ako banda sa pwesto ko, nandon si Laxton sa harap ni Kyolo at Jax. Mukhang totoo nga na hindi libre ang pagkain kahapon.

*FLASHBACK*

"Ahm, ano pa lang yung sasabihin mo pa?" muli kong tanong.

"Wala pa kayong bayad." seryosong sagot na ikinataka ko.

Biglang sumulpot sa aking tabi si Jax at Kyolo.

"Luh, anong sinasabi mo? Libre mo yon eh!"

"Oo nga, free snack sabi mo." hirit ni Kyolo.

Napatitig naman ako kay Laxton na parang problemado. Maski ako ang alam ko libre iyon, kaya nga kumain ako eh.Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa dalawa kong katabi.

"Seriously? Tinanong ko lang kayo, pero wala akong sinabing libre ah." umakto itong ihahampas ang tray na hawak. Para tuloy kaming tangang tatlo na yumuko para iwasan iyon.

Nakarinig kami ng tawanan sa likod, napalingon tuloy ako at nakita ang ibang Section 10 na pinapanood kami.

Sinigawan ko ang mga ito." Hoy hindi raw 'to libre!" sigaw ko.

Natigil sila sa tawanan at sabay-sabay na napa-huh. Muli akong tumingin kay Laxton na nakalahad na ang kamay.

"Ano 'yan?" tanong ko.

Umirap ito." Kamay,Avi. Magbayad kayo." utos nito.

"Talagang magbabayad kami?" muli ko pang tanong ko.

"Wala nang libre sa panahon ngayon." mukhang seryoso nga ito." Ano? Akin na." ginalaw pa nito ang kamay.

Dahan-dahan kong sinilid ang aking kamay sa bulsa ng aking palda, pigil ang aking hininga habang ginagawa iyon. Nang mailbas ko ang aking kamay, nakatiklop ang aking kamao. Akmang iaabot ko ang bayad ko nang mabilis ako tumakbo.Rinig mo pa ang sigaw nila Kyolo.

"Hoy, hintay!"

"Mga tarantado! Hoy bayad niyo!" dahil sigaw na iyon ni Laxton ay lahat kami ay napatakbo na papalayo kay Laxton."Bukas kayo sakin!"

At hanggang nakauwi hindi nga kami tinigilan ni Laxton, tinambakan niya ng messege ang gc na sisinglin niya raw kami kinabuksan.

"Oh?" napatingin sa akin si Ram." Nandito na si Avilah, Laxton." sabi nito at kong itong sinamaan ng tingin. Gago talaga!

Mabilis na lumingon si Laxto at sumenyas."Halika rito at magbayad kana." natatawang sabi niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi maglakad na palapit sa kanya. Inabot ko ang 100 pesos kong pera tsaka mahinang tinulak ang balikat nito.

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now