AVILAH
"N-nagpakamatay?Bakit?"
Umiling-iling ito."Walang may alam kung anong dahilan. Pero paniniwala ng parents n'ya na pinatay s'ya ng isa sa last section." sagot nito na nagpalaki ng mata ko.
Pinatay s'ya ng isa sa mga kaklase ko ngayon? Parang imposible naman at kung totoo naman ano naman ang dahilan?
"Jannah, mabigat na paratang naman 'yan.Sobra naman ata magulang ni Hannah."aniya ko.
Malalim itong bumuntong hininga."Ang totoo, Avi. Kapatid ko si Hannah."
Napatakip ako sa bibig sa sobrang gulat."What?Oh shocks." nasabi ko at napakurap-kurap na nakatingin dito."Sa nasabi ko kanina lang, wala 'yon kalimutan mo na." kinalabahan na sabi ko.
Ngumiti ito."Okay lang. Tsaka tama ka naman, mabigat ang paratang nila Mama at Papa sa last section." sambit nito kaya nakahinga ako ng maluwag."Hindi rin naman ako naniniwala na kayang pumatay nila Axcel. Alam kong puro gulo sila pero hindi naman nila yon magagawa." paliwanag nito at napatango ako.
"So? Anong nangyari sa kaso ng kapatid mo?"
"Case closed. Tsaka hindi na rin naisipan nila Mama na buksan pa." sagot nito.
Mas lalong umingay ang paligid nang dumating ang Last Section. Nakatingin kami ni Jaren at inirapan ko lang ito. Napatingin ako sa isang lalaki na tinanguan at nginitian ako nang dumaan ito sa harapan ko.
Luh
"Di kayo close?"
Nilingon ko si Jannah na nakatingin din pala sa kanila. Ang mga tingin nito at parang hinuhubaran nito ang Last Section habang dumadaan.
"Hindi.Wala silang balak, so wala rin ako." sagot ko at tumayo na.
Nagpaalam na si Jannah sa akin.Pagpasok ko sa loob at maingay sila, napataad ang kilay ko nang may nakaupo sa upuan ko. Akala ko naman aalis ito pag nakita ako, pero ang mokong talagang tinuloy ang pakikipagbiruan sa mga kausap.
"Hello? Kuya, bulag kaba?" kumuway ako para mapansin nito.
Nilingon ako nito at ng mga kausap nito.
"Hindi."maiking sagot nito.
"Pwede ba umalis ka sa upuan na yan? Andito na kase yung uupo eh." madiin ang bawat pagkakasabi ko.
Pero ang mokong tiningnan lang ako, nilingon ko si Jaren na nakaupo sa unahan.Ang magaling kong pinsan, patuloy ang pakikipag-usap sa kaibigan.Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko, nakangisi ito at parang inaabangan ang gagawin ko.
"Ano?Aalis ka d'yan o tatanggalan kita ng kaligayahan?" maangas na tanong ko.
Nangunot ang noo nito."What?
Ah.Hindi mo gets?
Bumaba ang tingin ko sa gitna ng pantalon nito, sumunod naman tingin nito sa tinitignan ko. Ang mokong biglang napatayo at akmang maglalakad nang hinarang ko ang paa ko.
Pinatid ko.
Napasinghap ang mga kaibigan nito, ang ibang busy ay napalingon sa aming banda.Maski ang magaling kong pinsan.
"Fvck!" napasigaw ito ng muntikan na itong masubsub sa mga upuan.
Malaki ang aking ngiti nang maupo, hindi ko pinansin ang makong na paulit-ulit na nagmumura. Napatingin sko sa katabi ko na nakatulala habang nakatingin sakin.
"Eto gusto mo?" itinaas ko ang kamao at agad itong umiling.
Ngumiti naman ako at nilingon ang nasa kaliwa ko.Nang ipinakita ko ang kamao ko ay agad rin itong umiling at umalis.
YOU ARE READING
Avilah And The Worst Section [EDITING]
Teen FictionStart:September 27 2020 End:March 17,2022 Cover not mine Credits the rightful owner. [Highest rank] #219 teenfiction #109 wattpad #18 wattpadphilippines