Day 1 of 366
Ito ang unang araw ng pagsulat
Mga nangyari sa aking buhay ay iyong matutunghayan
Mababasa at malalaman
Nawa'y ang aking pagsulat ay mayroong matulungan at kapulutan ng aralAng aking araw ay ayos naman
Ang mga sakit na aking naramdaman noong ako'y iyong nilisan
Ay unti unti nang dumadaan
Dahil ito ay unti unti ko nang nalilimutanMga sakit na naramdaman
Mga paghihirap na pinagdaanan
Ginawa ang lahat para sa isang bagay
Ngunit ito'y binalewala mo lamangGinawa ang lahat ng aking makakaya
Inubos ang enerhiya
Nang sa gano'n ay tumaas ang marka
Ngunit bakit hindi pa rin sapat para ito'y makuhaHindi masabi ang nararamdaman
Dahil sa tagal na ako'y humimlay
Hindi na alam kung ako'y buhay
At kung may kwenta pa kung ako'y nakaratayNaalala ka nanaman
Mga memoryang hindi ko pa rin makalimutan
Ang dalawang buwang ating pinagsamahan
Ngunit dalawang taon na ang nagdaanNagkagusto sa iyo
Ngunit ang playboy at babaero mo
Kinamumuhian ka rin ng kaibigan ko
Ngunit ikaw pa rin ang ninanais koAko'y inis na inis na sa iyo
Ngunit sa ikatatahimik ng ating buhay
Ang galit ay kinimkim na lang
Para wala ka nang masabi pang ibaAng iyong wangis ay walang katulad
Hindi ko rin alam kung bakit kita nagustuhan
Dahil ang iba'y ayaw ka
At ang personalidad mong aking nagustuhanNalugmok ngayon
Bukas ay babangon
Para sa aking kinabukasang gusto
Hindi lang para sa 'kin kundi para sa mundo
YOU ARE READING
Day 366
PoetryDay 366 without you, a poetry book written to show the struggles and encounters in life of the author in poetry format especially in love, and with pain she has been coveting for a long time. You might notice a lot of poetry lines all about love. De...