Day 8 of 366

0 0 0
                                    

Day 8 of 366

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kaya
Na umuwi nang magisa
Dahil sa nalaman
Parang kailangan ko na ata ng kasama

Ngayon ay napanaginipan ka
Saan nga'y hindi na nagising
Dahil sa panaginip ko
Tayo'y magkasama pa rin

Akala ko'y babalik ka pa
Ngunit sa kagaganito ko
Magiisang taon na pala
Noong ako'y iyong minahal ng ganito

Habang ika'y tinititigan
Hindi mawari sa isipan
Na tayong dalawa'y wala na
At hindi na babalik 'yon kailanman

Hindi maiwasang ika'y titigan
Dahil sa iyong ka-cute-an
Ayoko mang aminin
Ngunit sa'yo, ako'y mayroon pa ring pagtingin

Hind tuloy makafocus sa nilelesson
Dahil abala sa pag-alala
Ng mga memorya nating dalawang magkasama
Ano kaya kung tayo pa rin, sinta?

Gano'n mo ba siya kamahal?
Handang isakripisyo para sa kaniya ang lahat?
Bakit noong tayo pa ay hindi mo magawa?
Dahil ba ako'y hindi mahalaga?

Ngayon ko lang napagtanto
Na hindi ka na babalik
At mayroon ka nang ibang iniibig
At konteto ka na kung anong meron ka

Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa
Dahil ang lahat na inipon mo
Ay para lang pala sa kaniya
At ako'y iniwan mo nang walang kasama

Isang araw pagkatapos ng ating paghihiwalay
Sinabi ko sa aking sarili ika'y babalik pa
Siguro'y mga tatlong araw o isang linggo
Ngunit bakit magiisang taon na?

Ang bilis naman ng oras
Parang nu'ng kami naman ang bagal
Ganito ba talaga kapag nasa healing stage?
Hindi mo na namamalayan ang oras sa tagal mong nagheheal

lahat ay binigay mo sa kaniya
mga payo at leksyon mo na sa 'kin nakuha
siguro nga'y pangcharacter development lang ako
ngunit hindi ko naman deserve na iwan ako ng ganito

Wala na akong masabi
Dahil hindi na maipapaliwanag itong sakit na aking nararamdaman
Wala nang salita o letra ang makakapagsabi
Kung gaano ako kalumbay ngayong gabi

Lungkot na lungkot
Araw araw gabi gabi
Sinimula noong ako'y iwan mo
Warak na ang aking puso

Lagi na lamang ganito
Papasok sa aking buhay na may saya
At iiwan akong magisa at hindi maligaya
Hanggang ang aking damdami'y mawala na

Day 366 Where stories live. Discover now