Day 1 of 366

9 1 0
                                    

Day 1 of 366

Ito ang unang araw ng pagsulat
Mga nangyari sa aking buhay ay iyong matutunghayan
Mababasa at malalaman
Nawa'y ang aking pagsulat ay mayroong matulungan at kapulutan ng aral

Ang aking araw ay ayos naman
Ang mga sakit na aking naramdaman noong ako'y iyong nilisan
Ay unti unti nang dumadaan
Dahil ito ay unti unti ko nang nalilimutan

Mga sakit na naramdaman
Mga paghihirap na pinagdaanan
Ginawa ang lahat para sa isang bagay
Ngunit ito'y binalewala mo lamang

Ginawa ang lahat ng aking makakaya
Inubos ang enerhiya
Nang sa gano'n ay tumaas ang marka
Ngunit bakit hindi pa rin sapat para ito'y makuha

Hindi masabi ang nararamdaman
Dahil sa tagal na ako'y humimlay
Hindi na alam kung ako'y buhay
At kung may kwenta pa kung ako'y nakaratay

Naalala ka nanaman
Mga memoryang hindi ko pa rin makalimutan
Ang dalawang buwang ating pinagsamahan
Ngunit dalawang taon na ang nagdaan

Nagkagusto sa iyo
Ngunit ang playboy at babaero mo
Kinamumuhian ka rin ng kaibigan ko
Ngunit ikaw pa rin ang ninanais ko

Ako'y inis na inis na sa iyo
Ngunit sa ikatatahimik ng ating buhay
Ang galit ay kinimkim na lang
Para wala ka nang masabi pang iba

Ang iyong wangis ay walang katulad
Hindi ko rin alam kung bakit kita nagustuhan
Dahil ang iba'y ayaw ka
At ang personalidad mong aking nagustuhan

Nalugmok ngayon
Bukas ay babangon
Para sa aking kinabukasang gusto
Hindi lang para sa 'kin kundi para sa mundo

Day 366 Where stories live. Discover now