Day 5 of 366
Ika'y nakita nanaman
Kaninang uwian
Ngunit wala na akong kilig
Dahil hindi na kita iniibigNakalimutan ang mga susulatin
Dahil sa dami ng aking gawain
Pagod na ako
Pero babangon pa rin para sa 'yoSa dami ng gustong sabihin
Ipadama sa 'yo ang aking pag-ibig
Ngunit ayaw mo naman sa 'kin
Dahil may iba nang bumihag sa iyong puso't isipHabang nagmumuni muni
Napaisip bigla kung tadhana ba ito
Na pagtagpuin tayo't paghiwalayin
Habang ang tadhana nati'y pagbaliktarinWala ng masabi
Dahil sa pagod na aking nararanasan ngayong gabi
Kung ikaw lamang ay katabi
Hindi ako mapapagod araw-gabiKamusta ka na kaya?
Sa bawat lugar na aking pinupuntahan hindi ko malilimutang tanungin ang sarili
Pa'no kaya kung andito ka sa aking tabi?
Para naman hindi ako malungkot gabi-gabiPa'no kaya kung ika'y naririto?
May mangyayari bang pagbabago?
Kung binigyan mo lamang tayo ng atensiyon
Edi sana tayo'y magkasama pa rin hanggang ngayonAraw-gabi
Laging tinatanong ang sarili
Kung ano ang nangyari sa atin
Bakit mo ako iniwan sa aking kaarawanNaiisip mo rin kaya?
Kung tama ang iyong ginawa?
Hindi tuloy ako makagalaw
Noong sinambit mong nakikipaghiwalay ka na sa aking espesyal na arawNakita kita kanina
Hindi tuloy ako makapagsalita
Ngunit nakalimutan ko
Iingatan ko na nga pala ang aking puso
YOU ARE READING
Day 366
PoëzieDay 366 without you, a poetry book written to show the struggles and encounters in life of the author in poetry format especially in love, and with pain she has been coveting for a long time. You might notice a lot of poetry lines all about love. De...