Day 6 of 366

0 0 0
                                    

Day 6 of 366

Hindi nakapagsulat kagabi
Dahil ako'y busy araw-gabi
Ang goal ko lamang ngayong linggo
Ay makasurvive hanggang dulo

Ngunit lagi naman ako maglalaan ng oras para sa iyo
Hindi para sa kaniya
Ngnit ang pagsulat ng tula
Dahil habang nagsusulat, ako'y tuwang tuwa

Pagod na pagod na ako
Umay na umay nang makita ang pagmumukha ng mga kaklase ko
Pero never mauumay sa mukha niya
Dahil ito ang pinakamagandang pintang aking nakita

Iniisip kung saan ito puwede ibenta
Para na rin sa dagdag na kitah
Para nama'y makatulong sa bahay
At sa aking pamilyang naghahanapbuhay

Wala nang oras para lumandi
Dahil ako'y may ginagawa araw-gabi
Pa'no na?
Kailan magsisimula ang ating storya?

Kahit ngayong linggo
Walang nagbago
Kahit anong gawin ko
Ikaw pa rin hanggang dulo

Kailan ko ba maramdaman
Na hindi ako nasasaktan
Kalag binabanggit nila ang iyong pangalan
Pinipigilan kong lumingon

Dahil makikita lamang kita
Na ika'y nakatitig sa kaniya
Ng may pagmamahal
At walang pagaalinlangan

Itong araw na ito ay nakakapagod
Lagi naman
Ano ba namang bago rito
Araw na lang, linggo linggo, buwan buwan, at taon taon

Litong lito na sa nararamdaman
Halo halo ang nasa isipan
Damdaming hindi maipaliwanag
Madilim na sa mundong ibabaw

Day 366 Where stories live. Discover now