CHAPTER 9

12 0 0
                                    

ESTELLE POV:

Ito pala yung guest room ng mayayaman, masyadong sosyal. Mas malaki pa yata 'tong kwartong 'to kesa sa bahay namin eh. Imagine, may tatlong banyo, walong kama, unan, at kumot, complete talaga. At may TV pa, may refrigerator, at higit sa lahat may pa- Aircon pa. Aba, dinaig pa yung appliances namin bahay. Ang yaman talaga. Imagine niyo, guest room lang.

"Ito pala yung Guest Room niyo?" si Astrid.

Tumango naman si Mizia "Yep, why?"

"Guest Room niyo parang bahay" si Astrid at naupo sa pinakaunang kama.

"Masyadong class" si Anaziah at umupo sa tabi ni Astrid.

"Ang masasabi ko lang" si Chermine habang napailing "Ang yaman niyo talaga, grabe. " kita ko naman yung pag ngiwi ni Mizia.

"Nahiya naman ako sa inyong dalawa" si Mizia. "Mas mayaman pa nga kayo kesa amin eh"

"Hala sya, hindi noh" react nilang dalawa. Alam ko naman na mayaman 'tong dalawang 'to, hindi nga lang halata, di kasi sila showy eh. Same with Mizia. Masyadong pa mysterious 'tong mga kaibigan ko. Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na magpinsan pala silang dalawa. Baka nga mas mayaman pa pala sila sa inaakala ko.

Sa tinatagal-tagal naming magkakaibigan, hindi pa kasi nakapunta sa mga bahay nila. Ito yung first time ko na nakapunta sa bahay sa isa sa mga kaibigan ko. Hindi naman kasi ako pinapayagan ni lolo napumunta kahit saan masyado daw habulin ako ng peligro. O.A masyado yun eh, nakakainis minsan.

Ang totoo nga yan, hindi naman sana ako papayagan ni lolo na mag sleep over kami dito kina Mizia, pinilit lang talaga sya ng mga 'to.

"Anyway, pumili lang kayo dyan kung saang kama kayo matutulog" si Mizia.

Pinili ko yung pinaka-last na kama, kasi gusto ko lang.

"Estelle, buti pinayagan ka ng lolo mo?" tanong ni Mizia. Sasagot na sana ng bigla nagsalita si Chermine.

"Ayaw naman talaga yan payagan pero pinilit namin yung lolo nya na payagan siya, nakulitan sa amin kaya pinayagan nalang" si Chermine.

"Masyadong over protective yung lolo mo sa 'iyo noh?" si Astrid.

"Kaya ganun yung lolo niya sa kanya kasi suki ng peligro yan" si Anaziah. Napangiwi naman ako. Kilalang-kilala talaga ako niyan, dahil since elementary palang we're friends na.

"What do you mean?" si Chermine.

"Basta, yan lang ang alam ko" si Anaziah at tumingin sa akin at ngumiti. I know, na may alam yan si Anaziah pero I'm so grateful dahil mapagtaguan talaga siya ng lihim.

~tok~tok~tok

"Mizia, anak" mommy ni Mizia. Binuksan naman ni Mizia yung punto at bumungad sa amin ang mommy niya at pumasok. "Hi girls, I made a cupcakes for you, sana magustuhan niyo" nakangiting sabi ng Mommy ni Mizia at binuksan ang dala niyang box.

Fate Never FailsWhere stories live. Discover now