CHAPTER 12

0 0 0
                                    

MIZIA POV:

Napalingon kami sa may pinto ng biglang dumating si kayson na may dalang apat na eco bag. Agad naman niyang inilagay sa mesa yung mga dala nya. Wait lang, asan si Estelle, bakit si kayson ang nagdala ng mga yan dito.

"Kayson, si Estelle nasaan?" tanong ko.

"I thought she came back here" sabi nya "Sukli mo" inabot nya sa akin yung sukli ko.

"Thank you " sabi ko at kinuha yung sukli. "But, she's not"

"Might she be back in the classroom?" si Chermine.

"Baka may kinuha lang dun sa room" si Jerianna.

"Anyway, I have to go, may kailangan pa akong gagawin" si Kayson.

"Ok" sabay na sabi namin. Ngumiti lang sya at saka lumabas. Weww.. Ang cute nya at ang gwapo pa. Masasabi kong pretty boy talaga sya. Sa totoo lang crush ko talaga yun si Kayson kaso may girlfriend na sya. Hindi ko rin masabi kay Estelle baka asarin pa ako nun. Pero crush lang hindi na pwedeng lumagpas. Hehe..

"Mizia, ang dami mo namang pinabili" si Amiah at inilabas yung mga box sa loob ng eco bag.

"Malamang, hindi naman tayo mabubusog kung tag-iisa lang tayo" sabi ko at lumapit sa kanya. "Guyz, kumuha na kayo dito" aya ko sa kanila. Kinuha ko naman yung tatlong box at nilapag ko yung dalawa sa tabi ni Astrid at binuksan yung isa saka ko ibinigay sa kanya. Hindi nya kasi maigalaw yung kaliwang braso nya kasi namaga eh. Lakas ng impact.

"Salamat" si Astrid.

"Eat well" sabi ko. At naupo sa tabi nya.

*BRIIISSSKKKK*BRIIISSSKKK*

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko at... Putang*na...

"Wait, si Aubrielle ba 'to?" si Chermine habang nakatingin sa phone nya.

"Oo, sya" si Anaziah.

"Hey, look at the camera" sabi nung isang lalaki at pilit na pinapaharap si Aubrielle sa camera. Bugbog sarado na yung mukha nya na halos hindi na namin sya nakikilala sa itsura nya. Maga ang dalawang mata, puno ng sugat ang buong katawan at nakatali pa sa upuan. Torture kumbaga.

Oh my.. Napapikit ako nang bigla tumalsik yung dugo nya sa camera. Gago, masyado silang brutal. Live pa talaga. Walanghiya.

"The fuck! Hindi ko kayang panoorin ito" si Chermine at inilapag sa mesa yung phone nya.

"We have to report this to the guidance office" si Jerianna.

Mga walang puso, kalalaking tao tong mga 'to nambubugbog ng babae. Sino ba 'tong mga gagong yun. What the, biglang na cut yung video.

Agad na pumasok sa isip ko Estelle. Yari na, baka pupuntahan nya si Aubrielle dun. Tatawagan ko sana sya pero wala pala akong load. Pambihira naman oh.

"Guyz, sinong may load sa inyo, tawagan nyo si Estelle baka pinuntahan nun si Aubrielle" ako. Matigas pa naman ulo ng babaeng yun. Pinaglihi siguro yun sa bato.

Fate Never FailsWhere stories live. Discover now