CHAPTER 13

0 0 0
                                    

AMIAH POV:

Dahil saturday ngayon. It's my Grocery day. Ito lang talaga yung trabaho ko dito sa bahay nina Nurse Mera, but tumutulong rin naman ako sa gawaing bahay. Nakakahiya kasi eh. Sa katunayan nyan hindi ako sa sanay na walang ginagawa sa bahay para sa akin mas nakakapagod ang walang ginagawa.

Akmang lalabas na ako ng gate ng tinawag ako ni Nurse Mera.

"Amiah" napalingon naman ako, I saw nurse Mera walking towards me. Nahiya naman ako sa itsura ko. Ang ganda talaga ni Nurse Mera kahit saang angulo, ang ganda talaga. "it's too early for you to go to the market, and who will take you there?"

"Maglalakad lang po ako, hindi pa naman po mainit ang sikat ng araw" ako.

"Are you sure maglalakad ka lang?" si Nurse Mera.

"Opo" ako.

"Oh sya, mag-ingat ka" si Nurse Mera. Ngumiti lang ako saka umalis. Sa totoo lang ang awkward makipag-usap sa kanila.

Infairness, ang ganda pala talaga ng view dito. Pambihira dalawang linggo na ako dito pero ngayon lang ako nakalabas ng bahay nila Nurse Mera. Buti nalang at naisipan kong maglakad papuntang palengke.

Hindi ko namalayan na nasa mean gate na pala ako.

"Good Morning po, manong" bati ko kay Manong guard.

"Good morning, ang aga mo yata" si Manong Guard.

"Dapat po maaga, manong, para fresh pa yung mabili ko. Diba." ako.

"Maglalakad ka lang?" si Manong Guard. Tumango lang ako. "Malayo pa naman yung lalakarin mo"

"Ok lang po, exercise ba" nakangiting sabi ko. Ginulo naman nya yung buhok ko.

"Ikaw talaga. Mag-iingat ka" si Manong Guard.

"Opo" saad ko at lumabas nasa mean gate. Hindi pa naman masyadong mainit yung araw kaya okss lang..

Habang naglalakad nang bigla nalang..

~BEEP~BEEP~

Halos mahulog ako sa kanal ng bigla nalang may bumusina sa tapat ko. Punyeta!!. Medyo pa naman malalim yung kanal and I'm sure yung tuluyan akong nahulog bali-bali yung katawan ko at may possibility pang mamatay ako.

Ilang sandali pa ay bumukas yung punto ng sasakyan at tumambad sa akin yung mukha ng putang*na. Kumulo talaga yung dugo ko sa kanya, muntik na akong maaksidente sa ginawa nya.

"Ano ba'ng problema mo!?" inis na saad ko sa talipandas na Sylvan.

"Stupid" nakangising sabi nya. Wow as in wow ako pa ang sinabihan nyang stupid.

"Stupid pala ah, itong sa'yo!" dahil sa sobrang inis ko agad ko siyang sinakal. Kasalanan nyang binuksan niya yung pinto ng kotse nya.

"W-what the hell are you woman! Let go of me!" sigaw nya sa akin pero hindi ako makikinig sa kanya. Gago sya! Gago!

Fate Never FailsWhere stories live. Discover now