Ang Sikat kong Boyfriend # 9

1.6K 60 7
                                    

Oo. Hindi ako masaya. Hindi ako masaya na nakikita kang kasama si Sia.

I can't say that to him. I still don't have the courage to speak up. Ayokong malayo sa kaniya. Siguro ako na din ang may kasalanan kasi I haven't been a good girlfriend. I don't do surprises. I even don't text him that much. Hindi nadin kami nalabas.

Baka nagsasawa na siya at kasalanan ko.

"Alisha?" at bigla akong bumalik sa katotohanan.

"O-oo, masaya ako," kahit gusto kong ipagsigawan na hindi, "masaya ako satin."

Baliw. Tanga. Nahihibang. Ako lahat 'yan.

"Tropa!" Pagtingin namin, dirediretsong pumasok sa pintuan nila si Chris, "nandito ka pala Alisha."

I didn't say a word. Masyado ko pading iniisip ang mga problema namin. Mga problemang hindi dapat tinatakasan pero gusto niyang ipagpaliban

"May problema ba?" tanong ni Chris na parang walang alam. Alam kong alam niya ang lahat dahil kasama namin siya sa café.

"Wa-wala kaming problema," sabay tumawa siya, "diba Alisha?"

Walang problema? Seryoso?

Tumango-tango na lang ako na kunyari totoo ang sinasabi ni Daniel.

Nagpaalam si Daniel samin para pumunta sa kusina. Kukuha lang daw siya ng makakain namin.

"Wala daw problema," sabay hinawakan ni Chris ang mukha ko gamit magkabila niyang kamay, " tapos ang lungkot lungkot ng prinsesa ko."

Prinsesa.

Ilang buwan na ba ang nakakalipas ng huli niyang sinabi sakin 'yan? Ang tagal tagal na. Mga dating pangyayaring dulot ng hindi pagkakaintindihan at komunikasyon. Mga away. Suntukan. Sigawan. Sakitan. Iyakan at madami pang iba.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Daniel na nakabalik na pala galing sa kusina. Agad namang tinanggal ni Chris angmga kamay niya sa pisngi ko na parang walang nangyari.

Nagseselos ba siya sa nakikita niya? Tapos wala akong karapatan na magselos kapag kasama niya si Sia? Na hindi problema sa relasyon namin ang pagsama niya kay Sia?

"Nothing," sagot ni Chris, "Alisha, kamusta na nga pala kayo ni Clyde?"

Actually, I don't talk to him in school but I see him sometimes.

"May kailangan ba kong malaman?" Tanong ni Daniel. Nakakunot ang kaniyang mga noo habang nakatingin sakin.

"Wala," sagot ko naman habang binibigyan siya ng isang kunyaring ngiti, I tried my best to make that smile believable, "Wala kang kailangan malaman."

"By the way, may pratice game school natin diba Daniel?" sabi ni chris habang kinukuha ang mga chips na dinala ni Daniel mula sa kusina, "Nood ka Alisha."

"Oo nga babe," sabay lapit sakin ni Daniel, "katulad lang nung high school tayo."

Oo, naaalala ko pa nung high school kame. Lagi akong pumupunta sa basketball pratice nila kapag walang magawa lalo na kapag ayoko pumasok sa klase ko. Minsan I would be the team's watergirl o kaya tiga-cheer lang sa tabi.. Minsan nanonood din ako sa regionals at nationals kapag may free time ako at saktong walang pasok. Masaya ako noon, nung hindi pa kami. Kahit na bestfriend lang ako ng mga panahon na 'yon, masaya ako kasi nagagawa ko 'yung duty ko bilang bestfriend niya at syempre, parang wala kaming problema noon.

Ganito pala magselos? Ang daming bagay na umiikot sa isipan ko. Laagi akong nagwoworry. Pero hindi naman sa wala akong tiwala kay Daniel, sa ibang tao ako walang tiwala. 

Binigyan ko si Daniel ng isang mahinang suntok sa braso, "Wag mo kasi akong tawagin na 'babe', please?" and yes, I felt butterflies in my stomach. Deep inside naghahalo ang kilig at inis sa puso ko tuwing sinasabi niya ang salitang babe

"Say yes first then I'll stop."

"Okay, okay. Pupunta ako." then all of a sudden he hugged me again. 

**

Naririnig ko ang malalakas na sigaw ng mga tao pati na rin ang malalakas na tunog na nagagawa ng bola at ng sapatos na kumikiskis sa sahig na nanggagaling mula sa school gym. 

Pagkapasok ko palang agad kong nakita si Daniel na nakasuot ng red na jersey na may eagle sa bandang unahan at sa likod naman ang apelyido niya na 'Adams'. May nakatatak din na number four ilalim ng apelyido niya. Kumakaway siya sakin na dahilan para kumawah din aki. Napansin ko din na pinagtitinginan din ako ng ibang tao, most likely girls that likes Daniel. Obviously, kahit na kakasali pa lang ni Daniel sa team ay marami na siyang pusong nabighani sa galing niya sa paglalaro ng basketball at lalo na sa angking kagwapuhan niya. Siguro isang factor na din sa mga dahilan ay ang pagiging sikat niya sa high school sa Philip univrrsity at pati narin sa ibang eskwelahan.

Bigla akong napatigil ng mapansin ko ang isa sa pinakakinaiinisan kong tao na nakatingin sa akin. Masasabi kong isang napakasamang tingin noon. Halata ang panggagalaiti na parang ilang segundo na lang ay tatakbo siya sa harapan ko at sasabunutan ako. Agad ko naman inalis ang tingin sa kaniya. Sa loob loob ko lang, ayoko ng away. Hindi dito. Hindi sa laro ni Daniel.

Lumipat sa kabilang team ang tingin ko, andun si Chris na nakasuot ng blue na jersey na may ulo ng wolf sa unahan at apelyido niya sa likod. Napansin din niya siguro ako dahil katulad ng ginawa ni Daniel, kinawayan niya ako at nginitian ko naman siya pabalik.

Mga ilang minuto lang ay natapos na ang warm-up nila at nagsimula na ang pinaka practice match.

Masaya akong nanonood sa kanila. Nakita ko namang enjoy na enjoy ang dalawa dahil siguradong matagal na din silang hindi nakakapaglaro na magkasama.

Biglang may tumabi sa kaliwa ko kaya napatingin ako. Si Sia, nasa tabi ko siya. Ano na naman ba ang gusto niya?

"Magusap tayo," sabi niya na walang ekspresyon habang nakatingin lang sa court, "hihintayin kita sa labas." Pagkatapos ay agad siyang tumayo na sinundan ko naman ng tingin. Lumabas nga siya at naiwan ako ditong nagtataka.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa court habang nagpapaikot-ikot sa utak ko ang sinabi niya.

Magusap tayo... Hihintayin kita sa labas.

May dapat ba kaming pagusapan? Para saan? Para awayin na naman ako? Baka importante naman? Pero syempre, hindi ko malalaman hangga't hindi ko siya pupuntahan.

Pupuntahan ko ba o hindi? Decide, Alisha, sabi ko sa sarili ko.

Ilang sandali lang ay naglakad na ako papalabas ng gymnasium. Nakita ko si Sia, nakasandal ang likod sa pader habang nakafold ang mga braso.

"You did follow me." Then she gave a grin. A grin that makes me want to kick her in the face. If only I can do that.

"Ano bang paguusapan natin?" tanong ko.

"'Yang kalandian mo." then she bitterly laughed.

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon