Ang Sikat kong Boyfriend # 13

1.3K 47 18
                                    

Lalapitan ko sana si Daniel para pakalmahin siya pero nauna na si Sia na nakapagpakulo ng dugo ko at automatic na si Clyde ang binigyan ko ng pansin.

"Anak naman ng pucha Alisha, sino bang boyfriend mo samin?"

"I-ikaw," di ako makapaniwala na minura niya ko. He has the right to be mad pero wala siyang karapatan na murahin ako. Wala. Kahit pa sabihin nating boyfriend ko siya. Hindi tama 'yun. Tsaka hindi naman sinasadya na magkadikit labi namin ni Clyde. Wala may gusto na mangyari 'yun.

"Ako pala, pero siya pa mas inaalala mo?" nanggagalaiti na siya sa sobrang galit at ganon din ako.

"Nahiya naman ako sayo Daniel! Nauntog ka ba at nagka-amnesia? Hindi mo na ba naaalala na ganyan din ginawa mo sakin noong inaway ako ng makating babae na yan!" sabay turo ko kay Sia na tinaasan pa ako ng kilay. Napaka impakta talaga niya.

"Ano? Hindi ka makapagsalita kasi tama ako?" tuloy tuloy na sabi ko, "Daniel naman! Ikaw iniintindi ko pero ako? Inintindi mo ba?"

"P*tang *na naman Alisha!" minura na naman niya ako.

"P*tang *na talaga Daniel!" pabalik na sabi ko. Hindi ko maintindihan kung pano niya nagagawa sakin to? Girlfriend niya ko. Bestfriend pa. Tapos ganito niya ako tratuhin na parang walang pinagsamahan?

Nabasag ang katahimikan ng bigla akong talikuran ni Daniel at naglakad papalayo. Lahat nagbubulungan tungkol sa nangyari na para bang wala ako dito. Paniguradong active na active na naman ang mga chismosa at sa bandang huli, mali mali na ang impormasyon na kakalat sa school.

Natuloy ang event pero disqualified na kaming apat. Gustong gusto ko ng umuwi pero pinapatawag pa kami ng  deans. Magmeeting daw kami after ng event sa school. Syempre no choice kundi kapalan na lang ang mukha ko kahit na alam kong pinag uusapan ako sa buong school. Kesyo ako daw yung nang aagaw, kesyo ambisyosa daw ako, kesyo malandi daw ako.

Haters gonna hate.

Hayaan na sila. Hindi ko naman ikamamatay ang chismisan nila tungkol sakin. Basta alam ko kung ano ang totoo at sila, hindi nila alam yon.

Nang matapos ang event, pumunta na agad kami ni Clyde sa office ng dean namin. Saktong pagpasok namin sa loob ng office, andun na si Daniel at Sia kasama naman ng dean ng department nila.

"Explain to us what happened."

Si Clyde na ang nagkwento hanggang sa part na nagkadikit ang labi namin. Halata naman sa mukha ni Daniel na nanggagalaiti na naman siya sa inis habang si Sia parang walang pakielam at gustong gusto na umalis. Habang ako nakaupo lang dito, iniikot ikot ang paningin ko sa buong kwarto.

"Where is the part that Mr. Adams punched you in the face?"

Ayaw sumagot ng kahit sino man sa kanila kaya nagkusa na ako, " Daniel did attacked him."

"Mr. Adams we do not allow violence in this school. You should know that."

"I'm sorry." mahinang sabi nito.

"Then what about the commotion you and Ms. Garcia made?"

Akala ko hindi na mauungkat to. Ayoko na pag usapan. Ayoko na. Tama na.

Walang umimik saming dalawa. Walang may gusto sumagot sa tanong nila.

"Talk."

Aakma na sanang magsalita si Clyde pero pinigilan ko siya.

"Problemang pag-ibig lang po, sir." sagot ko. Sabay tumawa na pakunyari.

"Please don't make a scene especially about non sense." Sabay tumango tango na lang ako. "Okay, the four of you may go."

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon