Ang Sikat kong Boyfriend # 10

1.6K 67 29
                                    

Chapter 10

"'Yang Kalandian mo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Ako? Malandi? Saang banda? As a matter of fact, siya nga ang malandi diyan. Nakipagbreak break kay Clyde tapos si Daniel ang nilalandi ngayon. Ang bilis niya naman makamove on at ang napili pa niya landiin, si Daniel. Si Daniel na boyfriend ko.

"Nagulat ka sa sinabi ko?" Then she laughs again, "Boyfriend mo si Daniel pero ibang lalaki kinakawayan mo."

"He is my friend," pagtatanggol ko sa sarili ko. Wala din namang masama kung kawayan ko si Chris at alam naman ni Daniel 'yon, "wag ka manghusga dahil wala kang alam."

"Wag husgahan? Kasama mo nga ex-boyfriend ko na pumunta sa isang café nitong nakaraan," gusto ko siyang saktan dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Alamin mo muna ang buong istorya," medyo tumataas na ang tono ng boses ko. Hindi ba niya alam na siya ang malandi diyan. Siya nga lapit ng lapit kay Daniel at kung kasama ko si Clyde ng araw na 'yon, kasama naman niya si Daniel. Tapos ako pa ang malandi? I have my reason at mukhang siya, wala noon.

"Stay away from Clyde," nanggigigil na sabi niya.

That's when I snapped. "Then stay away from Daniel," sagot ko sa kaniya, " wag mong agawin si Daniel. Ikaw ang malandi at hindi ako. May girlfriend na si Daniel kaya lubayan mo na siya."

Hindi siya makasagot. Lahat ng sinabi niya, bumalik lang din sa kaniya. Kung makalagsslita kasi akala mo kung sinong anghel.

"Speechless?" medyo natawa pa ako, "totoo kasi."

Tinitigan ko lang siya. Lalong humihigoit ang pagkakacross ng braso niya. Gusto ko tumawa ng napakalakas sa nangyayari sa kaniya. Halatang nanggagalaiti siya sa inis dahil alam niyang tama ako. Panalo ako. Talo siya.

Babalik na sana ako sa loob ng gymnasium kaso napatigil ako ng hilahin niya ang buhok ko at simulan akong sabunutan, "Walanghiya ka!" sigaw niya.

"Aray!" masakit ang ginagawa niya, "bitiwan mo ko." Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Nang hindi ko na talaga kaya, sinabunutan ko na din siya. Sinampal ko pa nga para matauhan.

"Malandi ka!" Sigaw niya sakin kaya naman sinigawan ko din, "Mang-aagaw ng boyfriend!"

Kung anu-ano na ang mga salitang nilalabas namin sa aming bibig na kakapagpagalit lang lalo sa amin. Lahat na din ata ng mura nasabi ko na sa sobrang galit. Ngayon lang ako nagalit ng ganito at hindi ko alam na kaya ko pala 'to.

Biglang dahan-dahang may mga lumalabas mula sa gymnasium. Tuwang-tuwa sila sa away namin ni Sia. 'Yung iba bumabalik pa sa loob ng gym para lang tumawag pa ng ibang chismosa at chismoso. Nakikita ko din na may ibang mga nagvivideo samin pero hindi ko sila pinansin, masyado akong focus sa pakikipagsabunutan, pakikipagsakitan at pakikipagsagutan kay Sia.

Narinig ko ang malakas na tunog na nangangahulugan na tapos na ang first half ng laro. Biglang lumakas ng lumakas ang dagun-dong ng mga lakad ng tao, mukhang 'yung iba tumatakbo pa.

Biglang bumukas ang pinto ng gymnasium at mistulang iniluwa ang mga manlalaro. Naririnig siguro nila ang komusyon na ginagawa namin dito.

Malakas kong sinipa sa tiyan si Sia na dahilan para mapahawak siya dito at nakawala na,an ako sa pananakit niya. Biglang may taong humila sa akin sa may braso kaya tinignan ko ito, si Daniel pala na tinitigan ako ng may pailing-iling pa ang ulo. Halatang dissapointed siya. Kung alam lang niya na ang puno't dulo nito ay si Sia. Hindi ako.

"Alisha," galit na sabi niya, "wag mong saktan si Sia. Tignan mong ginawa mo." Tumingin ako kay Sia at nakita kong hindi siya makatayo dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya, self defense lang naman ang lahat.

"Siya naman ang nauna," mahinahon na sabi ko habang pinipilit na hanulin ang hininga ko.

"Kahit na!" sabay tinanggal niya ang pagkakahawak niya sakin at pinuntahan si Sia para tulungan. Hindi man lang ako tanungin kung ayos lang ako at mas nag-aalala pa kay Sia.

"Siya na lang kaya maging girlfriend mo!" sigaw ko ng pagkalakas lakas atsaka tumakbo papalayo.

Ayoko na.

**

Sumunod na araw, pinagtitinginan ako ng mga tao habang naglalakad sa hallway. Hindi ko na sila pinansin dahil alam ko na ang rason. Paniguradong kumalat na sa buong university ang nangyaro kahapon. Pati na din siguro sa ibang school dahil pati team nila Chris, nakita ang nangyari kahapon.

Worse is that they video clipped it. Pinost pa sa facebook. Viral kung viral ang ginawa naming kaguluhan kahapon.

378k views.
12.3k likes.
5.6k comments.

Grabe. Sobrang lubog na lubog na yung pride at kahihiyan ko. Kasalanan to ng babaeng linta 'yon. Kung hindi siya gumawa ng eksena at kung hindi niya ako sinabunutan, sana hindi nangyari lahat ng ito.

Tapos ako pa naging masama sa harapan ni Daniel? Magka-away na naman kami at alam kong ilang araw lang paniguradong makikipaghiwalay na siya sakin. Nagpaliwanag naman ako sa kaniya pero mas kinampihan pa niya ang impakta na 'yon.

Nakarating na ako sa room ko at lahat ng mga kaklase ko naglapitan sakin para ikwento ang mga nangyari, "wag muna ngayon," sagot ko sa kanila. Wala ako sa mood ikwento ang mga nangyari. Tsaka na kapag okay na. Kapag kaya ko na.

"Girl! Sikat ka na din! OMG!" sigaw ni Toby habang papaupo ako sa may bakantwng upuan sa tabi niya. "Ang galing mo, inaway mo si Sia."

"Pinagtanggol ko lang sarili ko," pagpapaliwanag ko which is totoo naman.

"Basta ang galing mo," sabi pa niya, "may fan base kana oh," sabay pakita sakin ng phone niya.

Alisha Garcia's Fan Club

Nakalagay sa taas ng page katabi ang picture ko at nakalagay sa timeline na ito ang video namin ni Sia.

"Totoo ba talaga 'to," di kasi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Totoong too 'yan girl!" halatang halata sa mukha ni Toby na tuwang tuwa siya sa nakikita niya "you had your revenge."

"Pero mukhang lalo pang napalayo si Daniel sakin," malungkot na sabi ko.

"What?" mukhang di siya makapaniwala sa sinabi ko, "pakiexplain nga."

Pero bago ko pa maipaliwanag, dumating na ang professor namin kaya naman napagpasyahan na mamaya ko na lang ikwekwento.

Matapos ang klase, ikinwento ko na sa kaniya pati na din kay Ranz ang nangyari habang naglalakad kami sa hallway papunta sa next class namin. May napansin kaming mga taong nagkukumpulan sa may harap ng bulletin board ng Newspaper Club ng school.

Off the Page Club ang nakalagay sa taas nito which is ang pangalan ng Newspaper Club at habang pababa ng pababa ang tingin ko, nakita ko na ang pinagkakaguluhan nila.

Picture ko na may sungay, bigote at balbas. Parang isang demonyo. Sa baba nito ay may nakasulat pang 'malandi'.

Kilala ko na kung sinong may gawa nito at syempre, isang tao lang naman 'yon.

Si Sia.

--

Follow me on twitter: @HanyKimchi

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon