CHAPTER 29: The private wedding!

2.2K 19 0
                                        

“Kailan ang kasal, Ezekiel?” pagtatanong ko.

“Now?”

“What? Ngayon na, as in ngayon na talaga?” gulat na saad ko, kakapropose lang eh.

“Yes, at nagdala na rin kami ng padre at sila ang magiging saksi. Sa araw na ’to, mag-asawa na tayo,” ngiting saad niya at pinalabas ang padre. Loh, bilis naman ata?

“Keri na ’yan, beh. Baka magbago pa isip ni Sir Ezekiel,” saad ni Jouiela. Napangiwi ako.

“Bakit napakadali naman, Ezekiel?”

“Ayaw mo ba?” he asked.

“Hindi naman sa ganon, nabigla lang ako. Pero kung ’yon talaga ang gusto mo, edi magpapakasal tayo ngayon,” ngiting saad ko.

Bigla akong natahimik matapos kong sabihin iyon. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko hindi sakit, kundi kaba na hindi ko maipaliwanag.

Ang daming tanong sa isip ko pero wala ni isa ang lumalabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako kay Ezekiel habang pilit iniintindi ang bilis ng lahat.

“Sigurado ka ba talaga?” mahina niyang tanong, tila naghahanap ng kasiguraduhan sa mga mata ko.

“Hindi ko alam… pero gusto kitang piliin,” sagot ko, bahagyang nanginginig ang boses.

Napayuko ako sandali, pilit inaayos ang paghinga ko. Hindi ko inaasahan na darating ako sa ganitong sitwasyon yung isang desisyon na kayang baguhin ang buong buhay ko.

Ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid, kahit hindi ko sila direktang nakikita.

“Kung may gusto kang sabihin, ngayon na ’yon,” dagdag niya, mas naging seryoso ang tono.

“Natatakot lang ako,” amin ko, sabay angat ng tingin sa kanya.

“Sa’kin?” tanong niya agad.

“Hindi… sa mangyayari,” mabilis kong sagot.

Saglit siyang natahimik, tila iniintindi ang sinabi ko. Kita ko ang paglalambot ng ekspresyon niya, na para bang gusto niya akong pakalmahin pero hindi niya alam kung paano. Lalo tuloy akong nakaramdam ng bigat sa dibdib.

“Hindi kita pipilitin,” sabi niya nang marahan.

“Hindi mo naman ako pinipilit,” sagot ko, sabay iling.

Napabuntong-hininga ako at napahawak sa noo ko. Ang daming emosyon na nagsisiksikan kilig, kaba, takot, saya lahat nag sabay-sabay. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong pakinggan.

“Alam mo, kung hindi ka ready—”

“Ready ako,” putol ko agad sa sasabihin niya.

Napatingin siya sa akin, halatang nagulat sa bigla kong pagsagot. Kahit ako ay nagulat din sa sarili ko. Pero sa kabila ng kaba, may parte sa akin na sigurado na gusto kong sumugal kasama siya.

“Ako lang ata may gusto sa kasal na ’to eh, parang napipilitan ka lang,” lungkot na saad niya. Binatukan ko siya.

“Sira. Sige na nga at magsimula na tayo, baka magtampo ka pa lalo,” saad ko, ngumiti pa ako.

“Sure ’yan ah.”

“Opo.”

Huling sagot ko bago niya ako iniwan na nakatayo habang kinakabahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa harap ni Father. Hindi kasi ako sinabihan kaya kabang-kaba na ako.

**

Naglalakad ako ngayon. Tanaw na tanaw ko si Ezekiel na nakatayo at nag-aantay sa ’kin. Hindi na ako nakapalag nang suotan nila ako ng belo at wedding dress.

SEDUCING MY PROFESSOR - SERIES #1(COMPLETE)Stories to obsess over. Discover now