CHAPTER 31: Arrange marriage!

2.1K 17 0
                                        

KHALIL POV...

Pagkatapos sabihin ni Yvielle iyon ay natulala kaming lahat sa sinabi niya. I know ang mas totoong dahilan doon kasal na siya at hindi na pwedeng magpakasal sa iba.

Tama naman siya. Hindi pwedeng utusan ni Yvielle ang puso niya na mahalin si Xavier dahil alam niyang si Ezekiel talaga ang mahal niya.

Alam ko naman iyon dahil hindi naman sila magpapakasal kung hindi nila mahal ang isa’t isa.

Una, ayaw ko sa relasyon nila, pero nang makita kong masaya at mahal nila ang isa’t isa ay unti-unti ko nang tinanggap.

Ano naman kasi ang magagawa ko kung hindi ko sila susuportahan, ’di ba?

“Tama nga naman si Yvielle, pa. Bakit niyo pa pinagpilitan na pakasalan ni Xavier si ate eh ’di pa naman sila lubos na magkakilala, eh,” saad ni Ylley na kina-tango-tango ko lang.

Sa loob ng ilang segundo ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa buong sala, parang lahat ay nagpoproseso pa ng mga nangyari.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Yvielle, na ngayon ay matapang na nakatayo sa harap namin. Sa unang pagkakataon, nakita ko kung gaano siya kasigurado sa pinili niya.

“Hindi ito biro, Yvielle,” mariing saad ni Papa.

“Hindi rin biro ang kasal, Pa,” sagot niya, diretso ang tingin dito.

Napatingin ako kay Xavier na tila hindi pa rin makapaniwala sa narinig niya. Kita sa mukha niya ang pagkagulat at bahagyang pagkadismaya. Hindi ko siya masisisi lahat kami ay nabigla.

“Nah, Ylley, I love your ate,” sabat ni Xavier.

Hindi ko alam pero ang bilis naman ata ng pagmamahal nitong ni Xavier. Kaka-kilala pa lang nila kagabi sa party eh tapos mahal na agad.

“Love? Kilala mo ba talaga siya?” singit ko, hindi na napigilan ang sarili.

“I can learn. I’m willing to,” sagot niya, seryoso.

“Eh hindi ka nga niya mahal.”

“What if ikaw na lang, Ylley, ang maipakasal kay Xavier, and besides magkamukha naman kayo,” saad ni Tito Raymund kay Ylley.

“No, I will never marry that ugly jerk. Kung hindi si ate Yvielle, ako naman gusto niyo,” inis na saad nito.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Kahit seryoso ang sitwasyon, hindi ko maiwasang mapailing sa ugali ni Ylley. Pareho silang matigas ang ulo ni Yvielle, kaya lalong nagiging magulo ang lahat.

“Calm down, sis,” I said. Napairap ito.

“Para naman ’to sa negosyo natin, Ylley, eh. Para mas makilala ang negosyo natin, just for that,” saad ni Papa.

Napahigpit ang kamao ko habang naririnig iyon. Hindi ko gusto ang ideyang ginagamit ang kasal para sa negosyo. Kahit naiintindihan ko ang punto niya, iba pa rin kapag pamilya na ang involved.

“Pa, hindi lahat nadadaan sa negosyo,” mahina kong saad.

“Lahat nadadaan sa tamang desisyon,” sagot niya agad.

“Eh tapos ipapakasal mo si ate. Alam niyo pa hindi niya talaga magagawa ’yon dahil kasal na siya kay Ezekiel kagabi lang,” anya na kina-laki ng mata ko. Napatayo ako at hinila ito palabas. Paano niya nalaman?

“Ylley!” sigaw ni Papa, pero hindi ko na pinansin.

“Let me go, kuya, ano ba,” sigaw niya.

Maraming mga maid ang nakatingin sa amin. Wala na akong pakealam doon. Bakit niya nalaman na ikinasal na sila Yvielle at Ezekiel? Wala naman siya doon sa kasalan.

SEDUCING MY PROFESSOR - SERIES #1(COMPLETE)Stories to obsess over. Discover now