CHAPTER 48: What's wrong with me?

1.9K 14 0
                                        

XAVRIELLE KIANNA POV...

Napaikot ako sa road papunta sa mansion ni Kuya dahil bibisitahin ko ulit ang mga pamangkin ko at siyempre andoon ang the one ko kaya araw-araw talaga akong pupunta, churizz.

Hindi pa ako nakakalapit nang bahagya ay may natanaw akong mga pulis sa bahay ni Kuya, kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko at nang makarating ako sa tapat ng bahay niya ay agad kong ipinarada ang kotse ko at lumabas din.

“Ma’am, pasensya na po pero bawal po kayong pumasok,” napaangat ang kilay ko sa sinabi ng pulis.

“What? I’m the sister of Ezekiel Guevara so allow me to enter his house,” inis na saad ko.

Bakit bawal akong pumasok? Ano ba kasing nangyayari dito, nakakakuryos naman.

“Pasensya na po talaga pero bawal daw po. Sumusunod lang po ako sa utos ng captain namin,” aniya. Napasimangot naman ako.

Umatras ako dahil pinaatras ako ng pulis na ’to, nakakainis. Nakabusangot akong nakatingin sa loob. Andoon si Kuya, yakap-yakap nito si Ate.

Gusto ko sana silang tawagin pero nakakainis, napakaingay kasi. Ang daming media dito, ang mga camera ay nakakadagdag sa kaingayan.

“Hey, lil sis, bakit nakabusangot ka yata?” napatingin ako kay Kuya Rhydian nang inakbayan niya ako. Kasama niya si Dariouse, my love.

“Eh kasi, Kuya, ayaw akong papasukin ng pulis na ’yan. Nakakainis, sarap sapakin,” inis na saad ko. Natawa naman ito.

“Why are you laughing? Nakakainis ka rin,” dagdag ko.

“Hayst, halika nga,” aniya at naunang maglakad.

“Hi, Clarence. Good afternoon,” nakangiting bati ko. Ngumiti lang siya bilang bati pabalik.

“Morning,” aniya.

Nauna itong maglakad kaya sinundan ko na. Nakipag-usap naman si Kuya Rhydian sa pulis na humarang sa akin kanina at himala, pinayagan ito.

“Ah sir, pasensya na talaga pero itong babaeng ’to ay bawal talaga,” aniya na ikinatingin ko sa kanya.

“Seriously, sir? Gusto mo masapak kita? Kapatid nga ako ng nasa loob,” inis na bulyaw ko dito. Natawa si Kuya Rhydian doon.

“She’s coming with us, sir,” malamig na saad ni Dariouse na ikinatigil ko. Siniko ako ni Kuya.

“Sana all, kilig na ’yan,” panunukso niya.

“Ewan ko nga sa’yo, Kuya. Tara na at gusto ko nang tanungin si Kuya,” saad ko. Nauna akong naglakad sa kanila at sa wakas, ’di na ako pinigilan ng pangit na pulis na ’yon.

Sa gilid ako dumaan dahil napakaraming reporter ang andito. Napatingin ako bahagya sa mga pulis nang may binuhat sila.

Nagulat ako nang umangat ako binuhat pala ni Kuya Rhydian ang kwelyo ko kaya nakangisi ako nang makita ko ang binubuhat nila. It’s Xavier.

Napa-wow ako dahil sa wakas at napuruhan na siya. Binitawan naman ni Kuya ang kwelyo ko kaya nagsimula na akong maglakad.

“May balak po ba kayong sampahan ng kaso si Mr. Cawji dahil sa ginawa niyang panggagahasa sa asawa mo?” tanong ng isang reporter.

Nagulat ako nang humagulgol si Ate Yvielle. What? Na-rape? The hell!

“Can you please stop that question? My wife is getting trauma about that fúcking issue,” sigaw nito at niyakap pabalik si Ate. Napangiti ako.

Napakasweet talaga ni Kuya sa asawa niya pero sa’kin napakasungit? Grabe naman ’yon, haha.

“And yes, magsasampa ako ng kaso sa hayop na ’yon at ako ang hahawak. Hindi ako titigil hangga’t hindi siya nakukulong,” seryosong saad niya bago sila pumasok sa loob. Hinarangan naman agad ito ng tauhan ni Kuya.

SEDUCING MY PROFESSOR - SERIES #1(COMPLETE)Stories to obsess over. Discover now