(Warning R-🔞+ not suitable for very young readers, may kababalaghan pong mangyayare sa chapter na ito, Skip nalang kung ayaw niyo basahin)
--
Nakarating ako sa bahay. Agad akong bumaba para buksan ang gate, pagkatapos ay sumakay ulit ako sa motor at pumasok sa loob at ipinark ito bago ko tinanggal ang helmet ko.
Napatingin ako sa bahay. Wala nang ilaw, siguro tulog na nga sila. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nilibot ang paningin ko.
Wala na talagang ilaw maliban na lang sa may kusina dahil may ilaw doon na alam kong nagmumula sa ref.
Dahan-dahan akong naglakad doon dahil feeling ko may tao roon. May kumalabog kasi at tunog baso ito.
Napasilip ako at nagulat ako dahil si Yvielle ito, umiinom ng tubig. Bakit 'di pa tulog ito? Kinuha ko ang coat ko dahil may dugo ito; baka ano pa ang isipin niya.
"Hon?" hinang saad ko. Nang makalapit ako ay niyakap ko ito mula sa likod.
"Ay jusq po," gulat na saad niya at nabitawan ang cellphone niya. Tumalsik ito sa pader at nakita kong nabasag ito.
"Ezekiel naman eh, nanggugulat ka naman," inis na saad niya habang nakatingin sa cellphone niya.
"I'm sorry. I wanna hug you. I miss you," saad ko. Humarap naman siya sa akin; kitang-kita ang inis sa mukha niya-cute.
"Hayst, anong oras na ba-" 'di ko siya pinatapos at gamit ang isang daliri ko ay tinakpan ko ang bibig niya.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? Anong pinaggagawa mo? Kanina pa ako nag-aantay sa'yo. Alam mo ba, nag-aalala ako sa'yo tapos ngayon ka lang? Oh!" putol ko sa sinasabi niya at hinampas ko ang sarili ko gamit ang kamay niya.
Kita ko naman ang pag-pout niya at hinampas niya ako sa braso, pero mahina lang naman.
"Eh kasi bakit ngayon ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Nginitian ko naman siya.
"Naging busy sa company, hon. It's already 3 a.m. Pa naman maaga akong nakauwi, right?" tanong ko.
"Madaling-araw na eh."
"I'm sorry, okay? Bakit mo pa ako inantay? Sabi ko 'di ba huwag mo muna akong antayin. Nakakasama sa baby natin 'yan, 'di natutulog nang maaga," paalala ko.
"Natutulog naman ako kanina, mga 12, kakaantay sa'yo. Pero naalimpungatan ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig," paliwanag niya.
"I miss you," hinang saad ko at niyakap siya.
"I miss you too, pero Ezekiel, luwagan mo. Alalahanin mo buntis ako," aniya kaya niluwagan ko naman ang pagkakayakap ko sa kanya. Binuhat ko siya at pinaupo sa may lababo.
Nagulat siya nang buhatin ko at pinaupo pa sa lababo. Nginitian ko pa siya.
"Ano na naman 'yang ngiti na 'yan?" tanong nito.
"I want a kiss," paglalambing ko.
"Laki-laki mo na, parang bata ka pa rin, hon. Umayos ka nga," suway niya kaya napapout ako.
"Kiss," pag-uulit ko pa kaya hinalikan niya ako na ikinangiti ko. Bibigay din naman pala eh, tagal-tagal pa. Haha.
"I love you."
"I love you more."
"Let's sleep," saad ko at binuhat ko siya na ikinakabit niya sa leeg ko.
Nakapulupot naman ang paa niya sa bewang ko habang nakasubsob sa dibdib ko. D*mn, I badly miss her so much.
Umakyat ako sa taas. Sinilip ko pa ang kwarto ng kambal at kwarto ni Azrael; tulog na tulog na sila. Kaya humakbang na ako papuntang kwarto namin.
"Pupunta tayo ng resort bukas," panimula ko nang mailapag ko siya sa kama.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR - SERIES #1(COMPLETE)
No FicciónEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES #1) Yvielle, a poor but determined college student, accepts a reckless challenge to seduce the university's cold and untouchable Professor Ezekiel. What begins as a harmless dare soon unravels into something far mo...
